"Madam, sasamahan na lang kita—""I told you, no need. You need to stay out of this. Ayokong mapahamak ka, Matet."Halatang ayaw pa nitong pumayag pero walang magawa."Pero may hihingin akong pabor sa'yo, Matet," agad niyang dugtong.Napapikit ito, "Sabi mo stay out of this? Bakit damay na naman ako?"Nanghaba ang nguso nito pero hinawakan niya ang kamay nito."Please, Matet?" pakiusap niya.Napaikot ang mga mata nito, "Ano na naman 'yan, Madam? All around na ako dito oh. Simula noong dumating ka dito sa mansyon, nakasangla na sa impyerno ang buhay ko sa dami ng kasalanang nagawa ko. Baka di na ako tanggapin ni Lord niyan eh."Mahina siyang natawa sa reklamo nito, "Akong bahala. Malakas ang guardian angel ko, Matet.""Sabihin mo na. Baka mamaya bumalik pa si Boss at hindi ka na makaalis. Kawawa naman ang kapatid mo," sumusukong bigkas nito.Dumukwang siya sa tenga nito, "Painumin mo ng pampatulog ang dalawang guwardiya at itago sa likod bahay," bulong na utos niya, siniguradong walang
Last Updated : 2026-09-13 Read more