ADAMMasayang tumatakbo si Nike sa playground habang sinusundan ko siya. Halos hindi siya mapirmi sa isang lugar. Mula sa slide ay dumiretso siya sa mga swing, pagkatapos ay bumalik sa akin para hawakan ang kamay ko at hilahin ako papunta sa climbing frame. Sa tuwing natatawa siya, hindi ko mapigilang ngumiti rin.“Daddy Adam, tingnan mo! Kaya ko nang umakyat dito nang mag-isa,” masiglang sabi niya habang umaakyat sa mababang hagdan ng playground.“Dahan-dahan lang, Nike. Hawakan mong mabuti ang railings. Nandito lang ako sa tabi mo,” paalala ko.“Opo! Huwag ka lang aalis, ha?”“Hindi ako aalis. Nandito lang ako.”Tumango siya at ipinagpatuloy ang pag-akyat. Nakatutok ang mga mata ko sa kanya habang maingat siyang umaakyat, at nang marating niya ang itaas ay ngumiti siya sa akin na para bang may malaking bagay siyang nagawa. Natawa ako at sinalubong ang kamay niya nang iabot niya iyon sa akin.Sa totoo lang, hindi ko inaasahang ganito ako kasasabik na makasama ang isang bata. Matagal
Last Updated : 2026-11-02 Read more