MIRABELLANagising ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Antok na antok pa ako at gusto ko sanang ipagpatuloy ang pagtulog, pero nang makita kong si Clara ang tumatawag, agad akong napabangon.“Hello, Clara?”“Mirabella!” Humahagulgol siya sa kabilang linya. “Nasa ospital si Jonas!”Nanlaki ang mga mata ko. “Ano? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?”“Binaril siya, Mirabella!” Lalo pang lumakas ang iyak niya. “Dinala siya rito sa ospital. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kaniya!”Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa narinig ko. Si Jonas, binaril? Ano na naman ang ginawa ng lalaking iyon?“Clara, kumalma ka muna. Nasang ospital kayo?”Sinabi niya sa akin ang pangalan ng ospital at agad kong tinapos ang tawag. Napalingon ako kay Adam na mahimbing pang natutulog sa tabi ko.“Daddy, gising,” sabi ko habang marahang tinatapik ang balikat niya. “Daddy Adam, gumising ka muna.”Dumilat siya at bahagyang umangat ang katawan. “Hmm?
Last Updated : 2026-10-27 Read more