Alas sais ng hapon sa Casa Blanco Manor.Si Jhea at Amanda nasa labas, nakaupo sa lumang wooden bench sa ilalim ng puno ng avocado. Hawak nila ang kape nilang barako, medyo malamig na dahil puro chismis ang inatupag nila. Si Harold, nakasandal sa fence, katatapos lang painumin si Cielo, suot pa rin yung black long sleeves niya, pero basa na sa pawis.Tahimik ang bukid, yung tipo ng katahimikan na naririnig mo yung hangin sa mga dahon ng pine.Tapos, narinig nila ang ugong ng makina.Hindi yung Hilux ni Harold. Hindi yung owner-type jeep ni Manong Eddie.Isang black Range Rover, maalikabok, parang galing pa sa mahabang byahe mula Cagayan de Oro. Huminto sa tapat mismo ng manor.Bumukas ang pinto ng driver.At bumaba si Adonis.Naka-white polo, sleeves na nakatupi, maong, at yung pamilyar na relo niya. Pero mukhang pagod, may dalang maliit na leather bag, at ang mga mata niya — diretsong nakatingin sa tatlong tao sa labas.Natulala si Amanda. Nalaglag halos yung kape niya.Si Jhea, na
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-28 อ่านเพิ่มเติม