One year had passed...At sa Manor nina Amanda Blanco sa Bukidnon, ginanap ang pinaka-bonggang kasal. Ang kasal nina Adonis at Amanda.Ang Manor, napakaganda. Hindi ito yung typical na mansion na bato at salamin. Ito ay manor na gawa sa kahoy at bato, na may malaking garden, may fountain sa gitna, may mga puno ng mangga at narra sa paligid. Sa harap, may malaking hagdan na puti. Sa taas, may balcony na tanaw ang buong Bukidnon. Yung bundok, yung ulap, yung mga kabayo na tumatakbo sa malawak na damuhan.At sa likod ng Manor, nandoon ang mga kabayo. Maraming kabayo. Puti, itim, brown. Yung mga kabayo ni Amanda. Yung mga kabayo na inalagaan niya simula bata pa siya. At ngayon, yung mga kabayo, nakasuot din ng bulaklak. Parang mga bisita rin sa kasal.Sa garden, nakalagay ang mga upuan na puti. May mga bulaklak na rosas at sampaguita sa bawat gilid. May arch na gawa sa mga bulaklak. At sa ilalim ng arch, nakatayo si Adonis.Si Adonis Evangelista, naka-white suit. Naka-bow tie. Hawak niya
Last Updated : 2026-11-15 Read more