Adonis POV Ring. Ring.DAD - URGENTHawak ko ang phone, nasa likod ako ng barn ng Casa Blanco. Sa harap ko, yung mga kabayo. Sa likod ko, sa veranda, nandoon si Amanda, masayang kumakain kasama sina Aunt Nami at Aunt Sakura. Kanina lang, hawak ko pa ang kamay niya sa ilalim ng mesa, nang tumunog ang aking cellphone. Nag excuse ako upang sagutin ang tawag. "Hello, Dad?""Adonis, nasan ka?!" boses ni Dad, nanginginig at medyo galit. Pero hindi na ito bago sa akin "Dad," I don't even know if he had me already track, nevertheless, sinabi ko na ang totoo, "nasa Bukidnon ako, sa Rancho—""Umuwi ka. Ngayon din.""Dad," I was supposed to answer no, pero inisip ko rin ang kumpanya, "ano ba nangyayari?""Adonis, hawak ng mga Franco ang marriage certificate mo.." "What marriage certificate? Dad, hindi ako kasal!" Mabilis kong putol sa kaniya. Parang nasusuka ako sa marriage certificate na sabi niya...at hawak pa ng mga Franco?! "Sa Vegas. Three years ago. June 14, 2023. The Venetian.
Huling Na-update : 2026-09-30 Magbasa pa