Mainit ang panahon, bagay sa okasyon ngayon kung saan nandoon sina Amanda at Adonis, kasama si Jhea ang matalik na kaibigan ni Amanda. Nakatayo na yung BLANCO WOMEN'S HOME . May tarp, may balloons na kulay puti at dilaw. May mga upuan sa harap, mga reporters, NGO people, at ilang babaeng beneficiaries na umiiyak na habang tinitingnan yung building.Sa gitna nakatayo si Amanda, nakasuot ng white na dress. Simple pero elegante. Buhok naka-low bun. Mukhang kalmado. Pero sa loob niya, may kaba at gulo na isipan. Katabi niya si Jhea, at sa kabila si Adonis Evangelista . Naka-navy suit. Hindi siya ngumiti kahit isang beses sa camera. Pero yung presence niya, ramdam ng mga tao na nasa palibot ng shelter. "And now," sabi ng host, "to officially open the Blanco Women’s Home, let’s call our founder, Ms. Amanda Blanco, and our main donor, Mr. Adonis Evangelista."Masigabong palakpakan ang pumaibabaw. Amanda and Adonis walked to the ribbon. Pareho silang may hawak na malaking gunti
Última actualización : 2026-08-28 Leer más