“Sorry, napahigpit ‘ata ang yakap ko,” ang paumanhin ni Sage nang tuluyan siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin.Marahan naman akong ngumiti sa kaniya. “Ayos lang. Tingin ko kailangan mo rin ‘yon ngayon.”Bumaba ang tingin ko sa necktie niyang wala na sa ayos at wala sa sariling inabot ko iyon para ayusin, huli na ng mapagtanto ko ang ginawa ng muling magtama ang tingin naming dalawa. Agad akong napalayo sa kaniya.Baka isipin na niya na clingy ako. Una ay bigla ko siyang niyakap tapos ngayon naman ay bigla-biglang inayos ang necktie niya. Hera! Please lang umayos ka.“Sorry, nasanay lang ako sa Papa ko sa pag-aayos ng necktie niya,” ang agad kong pagpapaliwanag na ikinangiti niya lang bago buksan para sa akin ang pinto ng kuwarto kung nasaan si Azi.“Pumasok ka muna. Azrielle’s inside.”Marahan naman akong napatango dahil nahihiya pa rin sa ginawa bago pumasok sa kuwarto. Nasa private room sila kaya inasahan ko na ang pagiging malawak at komportable nito, pero hindi iyon ang nakaa
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-03 อ่านเพิ่มเติม