Klaire's POV"W-what do you mean, Dad?" Nanginginig ang boses na tanong ko."Nandito na ang kapatid mo, Klaire. Sila naman talaga dapat ang ikinasal kung hindi lang nagkasakit si Ayumi. Patapos na rin naman ang kontrata niyo, pwede na kayong maghiwalay. Kapag napirmahan mo na ang divorce papers niyo, pwede na nilang ituloy ang naudlot nilang kasal noon. Alam din naman nating lahat na si Ayumi pa rin ang mahal ni Ethan kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya inaanakan." Nakangising paliwanag ni Mommy na ikina lamig ng buong katawan ko.Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng magkabilang gilid ng mga mata ko.Para akong sinampal ng katotohanan.Sa tuwing may nangyayari sa aming dalawa, palagi siyang may suot na condom... Noong gabing lang 'yon, lasing siya at nagawa namin iyon ng wala siyang suot na proteksyon. At ang bunga no'n ay ang batang dinadala ko ngayon.Tumulo ang luha ko."R-right..." Tumango-tango ako at mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata ko.Kinagat ko ang pang-
Huling Na-update : 2026-08-23 Magbasa pa