Sa sobrang galit ko ay bumalik ako sa ibaba at agad na lumapit sa kanyang harapan at walang pag-aalinlangan na sinampal siya ng ubod ng lakas, “Bakit ko siya dinamay? Are you fucking serious? Wilbert, bakit parang ako yung may kasalanan sa nangyayari ngayon, alam natin pareho kung sino ang may kagagawan sa kaguluhang ito.” Kung siguro nakakamatay lang ang titig, kanina pa siguro nakahandusay si Wilbert. “Kung gusto ng mama mo na gumala ay isama niya dalat si Bianca, pagod na pagod ako ayokong gumala. Kung ayaw niyang maniwala ipapunta mo siya dito at isama niya si Bianca para matapos na ang lahat.” “Y-you!” Hindi makapaniwala na sigaw niya, “Nagbago ka na Martha, hindi naman ganyan ang ugali mo noon, bakit ganyan ka kawalang-hiya, pinakain kita, binihisan, pinakilala sa matataas na tao tapos ito lang yung isusukli mo sa akin? Tama nga si mama, darating ang araw na makikita ko ang totoo mong ugali, kahit simpleng pagdadala nga ng bata sa sinapupunan mo hindi mo magawa ng maayos, tapos
Last Updated : 2026-08-25 Read more