LOGINSuot ko ang isang dark red na halter top na may V-neck, hapit din ito sa katawan ko at mayroong mahabang tela din ito sa gilid at isang silver ring sa side na pwedeng doon ikabit ang tela.
Pinaresan ko din ito ng isang black mini skirt na may silver chains at maliit na details sa bewang, para naman sa pang-apak ko ay nagsuot lang ako ng isang dark red knee-high boots na mataas na takong.
Habang bumaba ako ay dala dala ko ang isang maliit na black shoulder bag at may suot na silver necklace at bracelets. Nang nasa ibaba na ako ay nakita agad ako ni Wilbert, nakatayo ito at handa ng umalis.
“Aalis ka?” Tanong nito sa akin habang inayos ang butones ng polo.
“Why do you care? Mind your own business, Tsk.” Inis na sagot ko at tuloy tuloy ang lakad palabas.
Hindi ko na ito pinansin pa at baka mainis lang ako sa sasabihin niya, pagdating ko sa parking lot ay agad kong nakita si Kairos, nakasandal ito sa sasakyan habang may hawak na sigarilyo.
“Naninigarilyo ka?” tanong ko ng makalapit sa kanya.
“Obvious ba?” pambabara nito.
Umirap nalang ako at agad na pumasok sa loob, ilang sandali lang ay pumasok na din si Kairos at mabilis na pinaandar ang kotse. “Nasabi mo kaninang umaga na sinabihan mo si Wilbert sa totoo? Bakit parang wala naman siyang alam?” tanong ko, dahil nagtataka talaga ako kanina.
“Sinabi ko nga—”
“Ano nga ang sinabi mo sa kanya? Paulit-ulit?” Naiinis na ako sa pagka-pilosopo niya.
“Sinabi kong hindi mo gustong umuwi kagabi, kaya nakitulog ka na lang sa condo ng kaibigan mo.” Seryosong sagot nito habang ang kanyang mata ay tutok sa daan.
“Kairos! Sinabi mo na lang sana sa akin, pinahirapan mo pa ako—”
“You didn’t ask.”
Humugot na lang ako ng malalim na hininga bago ako bumaling sa labas ng bintana, dahil kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya. Ilang minuto ang lumipas ng pumarada na kami sa harapan ng Silver bar, dito namamalagi si Gabbi lalo na kapag party.
“You can go inside if you want, just text me if you need something.“ Sabi ko bago lumabas ng hindi na hinihintay ang kanyang sagot.
Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng makapal na usok, nakakahilo na amoy ng alak at iba’t ibang uri ng pabango. Nasa dance floor side ako ng namataan ko si Gabbi na nakatayo sa itaas kasama ang boyfriend nito. Napailing na lang ako ng maalala ko ang sinabi nito kahapon, mabilis akong umakyat at lumapit sa kanilang dalawa.
“Sino nga ulit ang nagsabi sa akin kahapon na kahit mamatay yong jowa niya ay hindi niya na babalikan?” pabulong na sabi ko sa dalawa.
“Cecelia!” Sigaw ni Gabbi at agad yumakap sa akin. “Kumusta na? Ano yong balita na maghihiwalay na kayo ni Wilbert? Natauhan ka na ba? Congrats ha? Tapos ka na sa pagiging bulag.”
“Kaibigan ba kita?” naiinis na tanong ko, kung makapagsalita sa akin parang di din bulag sa jowa niya tsaka ang weird talaga tuwing tinatawag niya ako sa second name ko. “Ikaw din naman ah? Di pa natauhan?” balik ko sa kanya.
“Girls, bakit ba lagi niyo akong pinag uusapan kahit nasa harapan niyo ako?” komento ng boyfriend ni Gabbi.
“Tumahimik ka” Sabay naming sabi ni Gabbi.
Nagkatingin naman kaming dalawa at natawa na lang, matagal ng magkarelasyon ang dalawa pero parehong walang balak magpatali. Atsaka komplikado ang pamilya ng dalawa unlike me and Wilbert, nang mamatay ang mga magulang ko ay ang pamilyang Ramos na ang sumagip sa akin, dahil sa pinanghahawakan nilang kasunduan na kapag nasa legal na edad na ako ay magpapakasal kami ni Wilbert at yon nga ang nangyari na sana hindi na lang natuloy.
“So, totoo ba?” ulit ni Gabbi sa tanong kanina.
“No, tsismis lang yan.” Ani ko at agad na inabot ang isang champagne, “Ang swerte niya naman kung makipaghiwalay ako sa kanya matapos ang lahat, mamatay muna ako bago niya makuha ang gusto niya.”
“Cel, wag mo naman pahirapan ang sarili mo. Alam mo, mas maging masaya ka kung hiwalayan mo ang manlolokong yon.” Aniya at sumisimsim sa alak na hawak nito. “Ang mga manloloko, iniiwa yan. Hindi kini-keep, alam mo na ba kung saang pamilya nanggaling ang babaeng yon?”
Napangiti ako ng maalala ang eksena nadatnan ko, Wilbert held her hand na para bang isang mamahaling bagay na kailangan ingatan. “Yes—”
“Who?” atat na tanong ni Gabbi.
“Isa sa mga anak ng politiko,” sagot ko, hindi ko pwedeng sabihin ang pagkatao niya. Dahil kailangan kong mag-ingat. “Basta yan lang muna ang masasabi ko—”
“Jesus! Martha, did you see the headlines?” Gulat na tanong ni Joseph, ang boyfriend ni Gabbi.
Kumunot naman agad ang noo ko, “Headlines? About what?” takang tanong ko.
Mabilis naman nitong ipinasa ang selpon niya sa akin, kaagad kong binasa ang laman ng balita.
News headlines:
“Mrs. Ramos, Nahuling pumasok sa Condo Kasama ang Sariling Bodyguard!”
Ayon sa isang witness, nakita ang dalawa na magkasamang pumasok sa isang condo unit at kinabukasan lamang lumabas.
“If the allegations are true, I have no choice but to end my marriage,” Mr. Wilbert Ramos stated in a brief statement.
Napangisi ako nang mabasa ko iyon. What a perfect plan, right? Gusto niyang palabasin sa publiko na siya ang kawawang asawa na niloko, habang ako ang masamang babae sa kuwento.
Ang problema lang? Hindi niya alam na may hawak akong mas malaking sikreto kaysa sa kanyang ginawa.
“Cel, ano na ang gagawin mo?” Tarantang tanong sa akin ni Gabbi, “Mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo, paano na lang ang dignidad mo bilang babae? Walanghiya talagang lalaking yon!”
Hindi ko pinakinggan si Gabbi at agad na inilabas ang selpon ko, hinanap ko agad ang numero ni Kairos. Ngunit ng tawagan ko iyon ay hindi makuntak, kaagad akong ginapangan ng kaba.
[Boy 1:] “May kaguluhan sa labas! Bilis, manood tayo!”
[Boy 2:] “Ha? Sino ba yon?”
[Boy 1:] “Yong si Ramos at ang bodyguard, bilis na. Pustahan mananalo yong si Ramos.”
Kaagad akong napatayo at walang pag-aalinlangan na bumaba mula sa ikalawang palapag, ang dibdib ko ay palakas ng palakas ang tambol, iniisip ko pa lang ang itsura ni Kairos ay halos mamatay na ako sa sobrang kaba.
[Girl 1: ] “Aahhh! Bilis tumawag kayo ng pulis!”
[Girl 2:] “Ang oa mo girl, isang suntok pa lang ang nagawa ni Mr. Ramos sa lalaking yan. Di yan mamatay—”
“Sino ang pinag-uusapan niyo?” Singit ko sa dalawang babae, ngunit hindi ko na narinig ang sagot nila ng lumanding ang tingin ko sa mukha ni Kairos, tumutulo na ang dugo sa kanyang labi. Ngunit nagawa pa din nitong ngumisi.
“At talagang ngumiti ka pa ha!” Sigaw ni Wilbert at susuntukin na sana nito si Kairos ng mabilis akong pumagitna.
“Sige subukan mo!” Malakas kong sigaw, hingal na hingal akong tumitig kay Wilbert.
“Pinagtatanggol mo siya? So totoo nga?” Nakangising tanong ni Wilbert.
Ngumisi ako at tumingkayad upang bumulong sa kanyang tainga. “Ikaw ang dapat matakot sa sitwasyong ito. Isang click ko lang sa article na pinagawa ko, malalaman ng buong Pilipinas ang kababuyan mo. At hindi lang ikaw ang masisira—pati ang pamilya ni Bianca.”
Bahagya akong lumayo at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. “What do you think, Wilbert? Are you threatening me now?” Napangisi ako. “Kairos and I are clean. Sa ating dalawa, ikaw ang marumi.” Matigas ang boses ko.
Pagpasok ko sa condo ay saka ko lang nailabas ang hininga na kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi dahil natatakot ako kay Wilbert, kundi dahil galit ako.For seven years, tiniis ko ang pamilya niya. Nilunok ko ang bawat insulto at lahat ng masasakit na salita nila para lang mapanatili ang marriage namin. And what did I get in return?Nothing.Lumapit ako sa bintana at tinitigan ang mga ilaw ng lungsod. Dati, iniisip ko na kung pagbubutihan ko pa, darating din ang araw na makikita ni Wilbert ang halaga ko.But I was wrong.Biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko sa screen, pangalan ni Wilbert ang nakita ko. Wala sana akong balak na sagutin, ngunit sa huli, sinagot ko pa rin.“What do you want?” Kaagad na tanong ko. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. “Where are you?”Napakunot naman ang noo ko. “Alam mo naman kung nasaan ako.”“Martha, can we talk properly?” Inis na sabi niya. Natawa naman ako ng malamig. “Properly? Kailan mo ba ako kinausap n
Tahimik akong nag-aayos ng mga documents sa lamesa ko nang biglang bumukas ang pinto. Si Wilbert yon at hindi man lang kumatok bago pumasok. Napatingin agad ako sa kanya at sa expression niya pa lang, alam kong hindi siya pumunta rito para makipag-usap ng maayos."You're still checking the financial records?" He coldly asked. I calmly placed the document I was holding on the desk. "Yes."I saw how his jaw tightened. "I already told you to stop looking into certain transactions."Mabilis na tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi niya, "Certain transactions?""Don't play dumb, Martha." Mariin na sagot niya. Tumayo ako mula sa upuan. "I'm not playing anything, Wilbert. I'm just doing my job.""You're making things difficult for me." Kaagad na sagot niya, pigil na pigil ang galit sa boses niya. Natawa ako nang mahina. "For you?""Yes. You're supposed to be helping me, not digging into every decision I make."Tinitigan ko siya at marahang tumango bago nagsalita, "I've been help
Nanatili ako sa loob ng opisina ko nang ilang minuto matapos kong mapansin na nawawala ang isang folder. Wala akong balak tumawag ng kahit sino lalo na kay Wilbert. Sa halip ay mahinahon kong isinara ang safelocker at bumalik sa upuan ko. Dahil may pumasok sa opisina ko at higit sa lahat, alam ng taong yon kung anong files ang kukunin. Tinitigan ko ang bakanteng bahagi ng safelock, ang nawawalang folder ay naglalaman ng supplier records, payment schedules, at mga dokumentong may connection sa kumpanyang konektado kay Victor.Hindi iyon basta random na files, may hinahanap ang taong kumuha nito. At mukhang alam niya kung saan hahanapin. Kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-message kay Kaitlyn.(Martha: Pumunta ka sa opisina ko. Mag-isa.)Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Kaitlyn at maingat na isinara ang pinto. "Nahanap mo na ba ang files, ma’am?" tanong agad niya."Hindi." mahinahon na sagot ko. Napakunot agad ang noo niya, binabaan ko ang boses ko. "May kumuha."Lumaki ang
Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok sa kumpanya. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay napag disisyunan ko na wala akong babaguhin. Kailangan kong mag-ingat at walang pwedeng makahalata sa galaw ko. I needed Wilbert to think that everything was normal.Pagpasok ko sa opisina ay nakita ko agad si Kaitlyn na may hawak na ilang folders.“Good morning, ma'am.” Pagbati niya sa akin habang may ngiti sa labi. “Good morning.” Marahan na sagot ko. She placed the folders on my desk. “These are the reports you requested yesterday.”“Thank you, Kaitlyn.” Pasamat ko at agad naman siyang tumango at tumalikod upang lumabas. But then she suddenly stopped. “Ma'am?”I looked at her habang nakakunot ang noo ko. “Yes?”“May napansin lang po ako.” Panimula niya. “What is it?” Agad na tanong ko at tinignan ang mukha niya upang mabasa ang kanyang ekspresyon. Ramdam ko ang pagdadalawang isip niya pero nagsalita pa din siya. “Si Mr. Salazar.”Napakunot agad ang noo ko. “Victor?”“Yes, ma'am.” Kaagad
Kinabukasan ay maaga akong dumating sa kumpanya. Dahil gusto kong ako mismo ang mag-check sa mga financial reports. Dahil hindi ako basta nagtitiwala sa mga documents na ipinadala sa akin. Gusto kong makita mismo kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng kumpanya. Pagpasok ko sa opisina ay agad kong tinawag ang secretary ko na si Kaitlyn. “Bring me the latest records of all payments made to our suppliers.”“Yes, ma'am.” magalang nitong sagot at marahan pang yumuko bago umatras ng tatlong hakbang tsaka tumalikod upang lumabas. Ngunit bago siya nakalabas ay nagsalita ulit ako, “And include the records from the last six months.”“Yes, ma'am.” ulit nito. After a few minutes ng paghihintay ko ay dumating na ang mga documents. I started checking them one by one. Payment after payment not until I found something familiar.Isang company na nakita ko rin sa mga documents na ipinadala sa akin kagabi. My eyes narrowed, I checked the amount and then the date. Pareho iyon sa isang transaction n
“Thanks, Iros.” Ani ko at tinawag ko siya sa neckname na gusto ko. “For what?” Agad na tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya at tinignan niya ako ng mariin. “For not judging me.” Ani ko habang nakayuko. Alam ko naman karamihan sa mga tao lalo na yong walang alam sa totoong nangyayari ay may maisabi talaga. They judge like you na para bang alam na alam nila ang lahat. “I wouldn't.” Kairos replied at pinagsiklop niya pa ang kanyang dalawang palad. “Why?” nakakunot ang noo ko habang bumaling sa kanya. He smiled. “Because I know what it's like to be judged for choosing your own life.”I looked at him but before I could ask what he meant, the waiter came over to clear our plates. And the conversation ended there. After naming naghapunan at nagbayad ay lumabas kami ng restaurant.Sobrang tahimik ng buong paligid, habang sabay kaming naglalakad at huminto sa malapit sa sasakyan ay kinuha niya naman ang susi mula sa kanyang bulsa. “Did you enjoy the dinner?” tanong niya.“Yes







