Dahan-dahang inilapit ni Sarina ang coffee cup sa mga labi niya at eleganteng humigop ng kape. Nanatiling kalmado ang mukha niya at walang bahid ng anumang emosyon na hindi naman kinakailangan.“Manhid ka ba, Sarina?” Patuloy pa rin sa pang mamata at pang mamaliit sa kanya si Mrs. Zamora.“You should know that I don't even want to see your face and you should realize that given your background, you're completely unworthy of being part of the Zamora family.”May kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata ni Sarina pero isang banayad na ngiti lamang ang isinagot niya. Sa halip na mag paapekto sa masasakit na salitang binitawan ni Mrs. Zamora ay nanatiling payapa at walang pakialam ang ekspresyon niya.“Mrs. Zamora, I think you've misunderstood me,” sambit niya habang matapang na sinasalubong ang titig ng ginang.“I don't intend to be a part of your family again.”May diin ng insulto sa kalmadong boses ni Sarina habang nanatiling hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha.Dahil sa maayos na pa
Huling Na-update : 2026-10-23 Magbasa pa