Paulit-ulit na tinatawagan ni Sarina si Dylan. Ni hindi man lang pinapansin si Avionna. Mas mahalaga sa kanya ang makapasok na sa loob dahil nanganganib ang buhay ng matandang Zamora.“Sarina, I really can’t figure out what you are trying to do here. Ayaw na sayo ng mga Zamora. Sinusuka ka na nila! Gusto mo pa bang mapahiya? Nakakatawa ka na nga ay kaawa-awa ka pa! Desperate bìtch!” Mariing bulalas ni Avionna.Kitang-kita at dinig na dinig naman iyon ng kambal na naka-monitor sa Mommy nila.“Bad woman!”Sa harap ng screen ay namula sa sobrang inis ang maliit na mukha ni Luna. Hindi niya napigilang hampasin ng munting kamay niya ang mesa.Ganoon din ang nararamdaman ni Luke. Talagang puro masasamang tao ang pamilya ng daddy nila! Mabuti na nga lang ang intensyon ng Mommy nila at pumunta roon para tumulong pero sa labas lang ng gate pinaghintay ng mga ito. Mga walang konsensya! “Luke, don’t you have ways to help Mommy?” Hindi na napigilan na usisa ni Luna sa kakambal.“Of course I have
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-12 อ่านเพิ่มเติม