Share

Kabanata 53 (Part 2)

Author: whiskerwords
last update publish date: 2026-10-20 14:27:56

Makalipas ang ilang sandali ay inalis ni Sarina ang tingin kay Damon. Isang bahagya at mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Bahala na. Hindi naman talaga siya nito kailanman pinaniwalaan. At kung ikukumpara ang mga salita niya sa mga sinabi ni Avionna ay alam na alam ni Sarina kung gaano kaliit ang puwang na mayroon siya sa puso ni Damon.

Hindi na sana siya nagkaroon ng kahit katiting na pag-asa mula pa sa simula. Kung ganoon ay hindi sana ganito kasakit ang pagkadismaya na nararamdama
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
whiskerwords
Hahahaha kapag naging matino na si Damon hahahaha. Medyo warla pa kasi sila ni Sarina ngayon :D
goodnovel comment avatar
Faith Hope
author Mingming, kailan po dadalhin ni Sarina ang twins kay Grandpa Z? mukhang mas maging buddy pa ni Luke c Uncle Dylan ah..
goodnovel comment avatar
whiskerwords
Salamat po sa pagbabasa :) Basahin n'yo po hanggang sa makita sila ni Damon.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back   Kabanata 53 (Part 2)

    Makalipas ang ilang sandali ay inalis ni Sarina ang tingin kay Damon. Isang bahagya at mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Bahala na. Hindi naman talaga siya nito kailanman pinaniwalaan. At kung ikukumpara ang mga salita niya sa mga sinabi ni Avionna ay alam na alam ni Sarina kung gaano kaliit ang puwang na mayroon siya sa puso ni Damon.Hindi na sana siya nagkaroon ng kahit katiting na pag-asa mula pa sa simula. Kung ganoon ay hindi sana ganito kasakit ang pagkadismaya na nararamdaman niya ngayon.“Mommy! Kuya! I've said it a hundred times! My sister-in-law is the one who saved Grandpa!”Hindi na niya namalayang pumasok na pala si Dylan sa VIP ward. Nang makita nito ang magkakaibang ekspresyon ng mga taong naroon ay hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na binasag ang nakaaasiwang katahimikan.“Dylan, you've truly been fooled by this woman!”Tumayo si Mrs. Zamora at mariing sinaway ang pangalawang anak. “Kung ikukumpara kay Avionna, ano na lang ang mararating ng pinag ar

  • I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back   Kabanata 53: Damon Picked Sarina's Side

    Huminto si Sarina sa pagsasalita at diretso at walang pag-aalinlangan na tinitigan si Avionna.Matalim at malamig ang tingin niya na para bang sinasabi niya kay Avionna na wala siyang balak na palampasin ang ginagawa ng mga ito na paninira sa kanya ng harapan. Agad na nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avionna. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya habang sinasalubong ang seryosong seryoso na mga mata ni Sarina.“I'm genuinely curious,” matapang na sambit ni Sarina habang isa-isang tinitingnan ang mga tao sa loob ng kwarto na iyon na puno ng pang mamaliit ang mga tingin sa kanya.“What are you all talking about? Paano akong nanira ng tao at anong ginawa ko para masabi n’yo na sinisiraan ko si Avionna?” Matapang na hamon ni Sarina.Mariing kinagat ni Avionna ang ibabang labi. “Sarina, nagmamaang maangan ka pa?”Ngumisi ng nakakaloko si Sarina habang nakatingin kay Avionna. Ni wala itong maisagot na diretso kung paano niya itong siniraan. Well, wala naman talaga itong maisasagot dahil buk

  • I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back   Kabanata 52 (Part 2)

    Pagkakita pa lang ni Avionna kay Damon ay agad na nagliwanag ang maputla nitong mukha sa isang banayad na ngiti. Sa wakas ay pinuntahan na rin siya nito. Sinasabi na nga ba niya na may pakialam talaga si Damon sa kanya.“Damon, you’re here–”Napatigil si Avionna sa gagawin sanang pagbati kay Damon nang makita na hindi ito nag iisa na pumunta doon.“Sarina?!” Hindi makapaniwala na bulalas nito.Hindi nakaligtas kay Sarina ang panandaliang pagkabasag ng maamong ekspresyon sa mukha ni Avionna lalo na nang dumako sa kanya ang mga mata nito.Isang matindi na bugso ng galit at hinanakit ang sumiklab sa mga mata ni Avionna. Pilit niya iyong pinigilan pero muling lumitaw ang totoong emosyon bago niya pa makontrol muli ang sarili. Sa huli ay nagawa rin niyang ngumiti ng pilit at nanghihina na tila ba kaawa awa para ipakita sa Mommy ni Damon na tama ang hinala niya na may pakialam pa rin ang anak nito kay Sarina.Sa sofa sa tabi ng hospital bed ay nakaupo ang dalawang babaeng halatang sanay sa

  • I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back   Kabanata 52: Who Really Saved Grandpa?

    Mariing naglapat ang mga ngipin ni Sarina at nagbago ang tono ng boses niya. Naging matalim at malamig habang hindi makapaniwala na nakatingin kay Damon."That is still my personal business. Don’t tell me you were jealous, Damon?” Sarkastikong tanong niya.“Seriously?”Bahagyang kumibot ang panga ni Damon bago kumawala ang isang mahinang tawa mula sa kanya.“You think you have the right to make me jealous?” tinaasan nito ng kilay si Sarina bago nagpatuloy sa pagsasalita.“You used to be my woman. Even if I don't want you anymore, no one else is permitted to lay a single finger on you. Got it, Sarina?” Ma-awtoridad na sambit ni Damon.Biglang nabalot ng lamig ang gwapo nitong mukha. Ang mapang-utos at mapang-angkin nitong deklarasyon ay para bang direktang bumulusok sa isip ni Sarina.Natigilan sa kinatatayuan si Sarina. Masama ang tingin niya kay Damon at nagiging mas malamig at mariin ang boses niya. Nababaliw na ba si Damon para sabihin nito iyon sa kanya?“You are sick and need tre

  • I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back   Kabanata 51 (Part 2)

    Nang makabawi sa pagkabigla ay hindi naman maikakaila ni Sarina na talagang nakakabaliw ang kagwapuhan si Damon. Kahit siya ay hindi nakaligtas doon dahil pinangarap niya rin naman itong maging asawa. Hindi rin niya maitatanggi ang likas nitong commanding presence at aristocratic aura. Ito ay isang klase ng dating na nakakaakit sa mga babae at kusang humihila sa mga ito palapit kay Damon nang hindi man lang pinag-iisipan.Kaya nga baliw na baliw siya kay Damon five years ago ay dahil sa taglay nitong kagwapuhan!Mapait na ngiti ang bahagyang gumuhit sa mga labi ni Sarina. Isinara niya ang medical chart na hawak niya at agad na tumalikod para umalis.Alam na alam niya kung bakit nagpakita si Damon sa ospital.Na-admit si Avionna doon kaya natural lang na pupunta ito para personal na alagaan ang pinakamamahal nitong babae.Hindi niya napigilan na maalala ang nakaraan. Noon ay palagi itong busy para puntahan siya sa ospital. Hindi siya makapaniwala na kayang-kaya nitong puntahan si Avion

  • I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back   Kabanata 51: Busy Pagdating Sa Akin?

    "What's wrong?"Pagkarinig sa sinabi ni Sarina ay bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Harold. May kung anong tensiyon na panandaliang sumilay sa mga mata niyang karaniwang kalmado lang.Pinagdikit ni Sarina ang mga labi at ibinaba ang tingin. Inayos niya ang medical chart na hawak niya bago marahang napabuntong-hininga."Haven't you noticed the rage and envy of almost all the staff here? Kulang na lang ay pagpyestahan na nila tayo at pag tsismisan ang buhay natin.”Pabiro lang niyang sinabi iyon pero sa totoo lang ay pagod na siya sa sari-saring opinyon ng ibang tao sa kanya. Paano na lang kaya kapag nalaman pa ng mga ito na may anak siya at kambal pa?Napailing na lang si Harold at natawa ng bahagya. Pero sa loob niya ay naiirita siya dahil sa mga pakialamerong tao sa paligid nila ni Sarina."Stop overthinking things, Sarina. People will always have something to say. Kahit naman anong gawin natin ay may masasabi at masasabi pa rin sila. So, why waste your energy minding all of them?”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status