Bago pa man tuluyang maibuka ni Angela ang kanyang labi para durugin si Evice sa mga salita, muling nagrebelde ang kanyang sikmura sa pinakamatinding paraan. Bwaaaaaaa! Isang malakas at sunod-sunod na pagsusuka na naman ang kumawala sa kanyang lalamunan. Patakbong bumalik si Angela sa lababo, hinawakan nang mahigpit ang gilid nito habang nanginginig ang buong katawan at tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa sobrang pagsusuka. Napakurap si Evice, ang mukha ay napuno ng halo-halong pagkagulat at isang demonyitang pag-unawa. Nawala ang takot sa kanyang mga mata kanina nang marinig ang pagbabanta ni Angela, “Aba, aba… kitang-kita ko ang ebidensya, Angela,” sarkastikong bulalas ni Evice habang dahan-dahang lumalapit sa likuran nito. . “Paulit-ulit kang nagsusuka, namumutla, at parang mamamatay sa hilo. Kung hindi ka buntis, aba, ewan ko na lang kung anong tawag diyan. Isang malaking jackpot para sa ’yo kung sakaling nagbunga ang pagpapakasasa ninyo!” Habang nakayu
Last Updated : 2026-10-01 Read more