“Ano? Saang ospital? Pupunta ako agad!” natatarantang sigaw ni Angela, ang kaniyang boses ay nanginginig sa matinding takot habang kusang napahawak nang mahigpit ang kaniyang kamay sa kaniyang tiyan.“Madam, huwag po muna kayong mag-alala nang sobra, baka makaapekto sa inyo at sa pagbubuntis niyo,” pag-aalo ni Marco sa kabilang linya, bakas ang matinding kaba. “Kasalukuyan po siyang nasa St. Claire Medical Center… pero Madam, mag-ingat po kayo sa pagbiyahe rito.”“St. Claire Medical Center…” ulit ni Angela sa pangalan ng ospital habang nagmamadaling senyasan si Yaya Anita na ihanda na ang kaniyang gamit. “Sige, Marco! Papunta na ako riyan ngayon din!”“Sige po, Ma'am Angela… pero ma'am, pakiusap, huwag po kayong magpahalata na lumalabas kayo o pupunta rito sa ospital,” babala ni Marco sa kabilang linya, mababa at seryoso ang boses. “Baka po may makarinig o makasagap ng balita, lalo na si Evice… kailangang manatiling lihim muna ang lahat.”Isang segundo siyang natigilan, naalala ang pa
Last Updated : 2026-10-10 Read more