Ngunit bago pa man makalapit si Rose, mabilis na humarang si Marco sa pagitan nila, seryoso at malamig ang titig sa babae. “Pasensya na, Madam Rose, pero sa tingin ko ay kailangan na kayong lumabas,” mariing sabi ni Marco, walang pakialam sa pagwawala nito. “Hindi ninyo pag-aari ang buong ospital, at lalong hindi kayo pwedeng manggulo rito habang nagpapahinga ang Boss.” “I-ikaw, isa ka lang tauhan ng asawa ko, kaya huwag mo akong utusan!” bulyaw ni Rose kay Marco, sabay turo sa mukha nito bago muling binalingan si Angela na may nagbabagang mga mata. “Uhmmmm! Rose, hindi ka ba nagsasawang humabol kay Roger?” sarkastikong sabat ni Angela, taas-noong hinarap ang kaaway nang walang bahid ng takot. “Alam mo naman sa sarili mo kung bakit matagal nang ayaw sa iyo ni Roger, hindi ba? Ikaw rin ang may kasalanan kung bakit ka niya iniwan.” “Tumahimik ka, Angela! You're nothing but a mistress!” galit na sigaw ni Rose habang nanginginig ang mga daliri sa sobrang galit. “Oo na, sige na… alam
Last Updated : 2026-10-12 Read more