“Angela…” bulong niya sa sarili, habang marahang humihinga nang malalim.“Kaunting tiis na lang sa ganitong uri ng trabaho. Pagkatapos ng lahat ng ito, kapag nakapagtapos na ang kapatid ko sa medical school niya, makakapagpahinga na rin ako.”Bahagya niyang ibinaba ang tingin sa USB drive na mahigpit niyang hawak. May bigat ang kanyang mga mata, hindi lamang dahil sa pagod kundi dahil alam niyang napakahalaga ng laman nito.“At ang USB drive na hawak ko ngayon ay napakahalaga at kailangang maibigay ko ito kay Mrs. Rose,” muli niyang bulong sa sarili.Sandali siyang nanatiling tahimik, saka huminga nang malalim bago pumasok sa isang liblib at eksklusibong pribadong silid ng isang mamahaling restaurant sa labas ng lungsod.Suot ang kanyang itim na trench coat at malaking shade na nagkukubli sa kalahati ng kanyang mukha, maingat niyang inilapag sa ibabaw ng mesa ang maliit na itim na leather case na naglalaman ng orihinal na flash drive.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok si Mr
Última atualização : 2026-09-01 Ler mais