“Angela, mag-usap tayo,” mariing saad ng isang pamilyar at mabigat na boses mula sa kanyang likuran. Kahit nagulat si Angela sa biglaang pagsulpot ni Dave, mabilis niyang kinontrol ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim, dahan-dahang lumingon, at isinuot ang kanyang malamig at walang-pakundangang mukha. “Bakit, Señorito? Sinusundan niyo ba ako?” sarkastikong tanong ni Angela, pilit na tinaasan ng kilay ang binata habang nakapamulsang tumingin dito. “Paano kung makita nanaman tayo rito ng fiancée niyo? Baka lalo siyang mag-isip ng masama, magwala na naman, at baka iatras na niya ang planong kasal ninyo.” Iyon naman talaga ang gustong mangyari ni Angela—ang masira ang kasal na iyon bago pa man maisakatuparan ang kalokohan ng kanyang kapatid. Ngunit natigilan si Dave sa sinabi ng dalaga. Madilim ang mga matang tumitig sa kanya, tila sinusuri ang bawat hibla ng kanyang pagkatao bago dahan-dahang humakbang palapit. “Hindi ko ititigil ang kasal…” mahal ko si Elina,”nagdadala
Última atualização : 2026-09-09 Ler mais