Hindi na umalis sina Solene, Duke, at Brent sa lumang Mendoza office nang gabing iyon.Nasa gitna pa rin ng mesa ang mga dokumentong nahanap ni Brent. May mga lumang kontrata, payment records, photographs, at ang USB na naglalaman ng footage mula sa gabing nawala sina Solene, Elias, at Celia.Pero sa lahat ng iyon, isang bagay ang pinakaayaw nilang isipin.Ang kontrata.Ang tunay na kontrata na ginawa dalawampung taon na ang nakalipas.“Kung tama ang mga documents na ito,” sabi ni Brent habang binubuklat ang folder, “may kulang pa tayo.”“Yung original contract,” sagot ni Duke.Tumango siya.“Exactly.”Tahimik si Solene habang nakatingin sa mga papel. Hindi na siya nagulat na may panibagong sikreto. Sa dami ng nalaman niya nitong mga nakaraang buwan, parang nasanay na ang buhay niya sa mga bagay na dapat matagal nang sinabi sa kanya.Pero may kakaiba sa pagkakataong ito.Pakiramdam niya, kapag nakita nila ang buong kontrata, may isang bagay na tuluyang magbabago sa lahat.Biglang nags
Last Updated : 2026-09-05 Read more