Hindi agad nakatulog si Solene nang gabing iyon.Nasa mesa pa rin ang envelope na galing kay Isabella, pati na ang lumang litrato nina Isabella, Marcus, Elias, at ng batang babae na hindi pa rin niya makilala. Ilang beses na niyang gustong basahin ulit ang sulat, pero pinili muna niyang isara ang lahat at itabi.Marami nang nangyari sa iisang araw.At ayaw niyang muling punuin ng mga tanong ang utak niya.Kinabukasan, pagdating niya sa Atelier, naroon na naman si Gabriel Laurent.Kasama nito ang dalawang tao mula sa investment team.“Good morning, Ms. Hale.”“Good morning. May kailangan ba tayong pag-usapan?”“Actually, yes. We revised the proposal.”Napatingin si Solene sa folder na dala nito.“Akala ko malinaw na kahapon.”“Hindi namin binago ang investment amount.”“Then what changed?”Umupo si Gabriel sa harap niya.“Your branding.”Napakunot ang noo ni Solene.“My branding?”“Yes. We believe your company can enter the international market much faster if we attach it to the Vale n
Last Updated : 2026-09-05 Read more