Kinabukasan ng anniversary celebration ng Solene Atelier, parang normal lang ang lahat.Pero para kay Solene, hindi iyon ordinaryong umaga.Pagpasok niya sa studio, sinalubong siya agad ng amoy ng bagong timplang kape at ingay ng mga designer na nagmamadali sa kani-kanilang trabaho. May ilang balloons pa mula sa celebration kagabi na hindi pa natatanggal sa entrance, at sa reception desk ay may maliit na bouquet na may card na nakasulat, Congratulations, Boss.Napangiti siya nang makita iyon.“Hindi ko akalain na kaya niyo palang maging sweet,” biro niya kay Mika.Sumagot si Mika habang inaayos ang ilang folders. “Boss, once a year lang po kami sweet. Baka masanay kayo.”Tumawa si Solene.“Fair enough.”Maayos ang pakiramdam niya. Pagod, pero masaya.Kagabi, habang nakatingin siya sa mga ilaw ng venue at hawak ang kamay ni Duke, naisip niyang tapos na talaga ang mahirap na bahagi ng buhay niya. Wala na ang mga lihim na dating sumusunod sa kanya. Wala na ang mga taong gustong gamitin a
Last Updated : 2026-09-05 Read more