Tahimik ang buong opisina ni Duke nang tuluyang lumabas ang pangalan sa security report.Mara Villanueva.Ang babaeng halos sampung taon nang nagtatrabaho para kay Duke.Siya ang nakakaalam ng schedule nito, mga private meeting, business trips, at maging maliliit na bagay na hindi alam ng ibang empleyado.Siya rin ang taong palaging unang tinatawag ni Duke kapag may kailangang ayusin.Kaya nang makita ni Solene ang pangalan niya sa report, hindi agad siya naniwala.“Hindi siya,” mahinang sabi niya.Nakatayo si Duke sa harap ng malaking screen, tahimik na binabasa ang mga records.“Why?”“Dahil kung gusto ka niyang ipahamak, matagal na niya itong ginawa.”Dahan-dahang tumingin si Duke sa kanya.“That's exactly why this doesn't make sense.”Napabuntong-hininga si Brent.“Then we don't accuse her yet. We ask.”Ilang minuto lamang ang lumipas, pumasok si Mara sa office.Namumula ang mga mata nito.Mukhang alam na niya kung bakit siya tinawag.Umupo si Mara sa harap nila.“Sir Duke…”Hindi
Last Updated : 2026-09-05 Read more