LOGINRizza's POV Sa Gabi... Hindi ko alam kung anong oras ako nakabalik sa aming silid.Ang tanging naaalala ko ay ang mahaba at tahimik na biyahe mula sa lugar ng pagdiriwang hanggang sa hotel. Ni hindi ko nagawang tingnan si Damian nang pumasok kami sa sasakyan. Ngayon, nakaupo ako sa gilid ng kama habang nakatitig sa aking mga kamay. Narinig ko ang maingat na pagsara ng pínto. "Rizza." Hindi ako sumagot. "Alam kong narinig mo ang lahat." Napatawa ako nang mahina, ngunit walang saya sa aking tinig. "Talaga? Akala ko ba wala kang balak sabihin sa akin?" Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Alam kong wala akong karapatang humingi ng pagkakataong magpaliwanag, pero sana pakinggan mo na ako sa pagkakataon na ito.Hindi dahil narinig mo na ang totoo.Kundi ilang beses ko nang tangkain sabihin sa'yo ang totoo," tumigil muna siya," Pero pinili mo pa rin hindi makinig sa paliwanag ko sana." Dahan-dahan akong tumayo at hinarap siya. "Limang taon, Damian." Nakita ko a
Rizza's POV Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa araw na iyon para sa mga taong bumabati sa akin. Matagumpay ang pagbubukas ng bagong sangay ng kompanya, at bilang bahagi ng pangkat na nanguna sa proyekto, hindi ko maikakailang ipinagmamalaki ko ang lahat ng pinaghirapan namin. Sa wakas, natupad din ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit sa kabila ng masasayang pagbati, palakpakan, at mga ngiting nakikita ko sa paligid, may isang bagay pa ring hindi ko maipaliwanag sa sarili ko. Si Damian. Mula nang magsimula ang seremonya hanggang sa kasalukuyang after-party, hindi niya ako halos nilayuan. Kung minsan, mararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Kapag nahuhuli ko naman siyang nakatitig, agad niyang inililihis ang kaniyang paningin na para bang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan. At kahit ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong wala na akong pakialam sa kaniya, hindi ko pa rin mapigilang kabahan sa tuwing lumalapit
Rizza's POV Pagtingin ko sa kanya, nakita kong nakatitig siya kay Rafael. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha niya. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang panga, habang marahan namang tinatapik ng kanyang mga daliri ang ibabaw ng mesa. You're here alone?" tanong ni Rafael sa akin. Bubuka pa lamang sana ang bibig ko nang sumagot si Damian. "She's with me." Napalingon ako sa kanya. Tumingin muna si Rafael kay Damian bago magalang na ngumiti. "Oh, I see. You're her boyfriend?" Hindi agad sumagot si Damian. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at marahang pinagsalikop ang aming mga daliri. "I'm the one she's having dinner with." Napakurap ako. Ano raw? Maging si Rafael ay bahagyang nagulat sa sagot niya. "Ah, ganoon ba? Pasensya na, hindi ko sinasadyang gambalain ang hapunan ninyo." "Walang problema," sagot ko habang pilit na nakangiti. "Masaya akong muli kang nakita, Rafael." "You too, Rizza. Enjoy your evening." Nang makaa
Rizza's POV Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas ng sasakyan. Halos buong biyahe ay nakatanaw lamang ako sa bintana, pinagmamasdan ang bughaw na dagat at ang mga punong niyog na nakahanay sa gilid ng kalsada. Sa wakas, nakarating na rin kami sa Bohol. Excited akong makapagpahinga at masaksihan ang ganda ng lugar na ito. Pero higit sa lahat, gusto kong malaman kung ano ang mangyayari sa amin ni Damian sa mga susunod na araw. Mas maganda sana kung kasama ko din sila Asher,mama at Donna. Pero sabi nga ni Damian, may next time pa naman iyong tipong bakasyon talaga hindi trabaho. "Baby, are you excited?" tanong ni Damian habang nakatingin sa akin. Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakapatong ang isang kamay sa hita ko. May sumundo kasi sa amin na sasakyan galing airport. "Of course! First time kong pumunta rito. Ang ganda ng lugar!" "Then make sure you enjoy every second of our stay here." Napakunot ang noo ko sa si
Rizza's POV Nagulat ako nang paglabas ko sa apartment nandiyan na naman ang itim na sasakyan na nakaparada sa harapan din ng apartment na inuupahan ko. Ang ganda kasi ng sasakyan halatang mamahalin kaya nakakatuwa naman kung diyan sa nangupahan. Hindi nalang sa condominium na mas safe pa ang kanyang sasakyan. " Get in." Mas lalo akong nagulat dahil may bigla nalang huminto na sasakyan sa harapan ko. At ang nakakatawa si Damian ang sakay sa likuran. " Bakit ka nandito?" tanong ko. " Isabay kita pareho lang naman tayong pupuntahan." Mabilis na akong sumakay sa sasakyan niya. Ngayon nalang din kami ulit nagkita ni Damian. Ang huling kita namin ay sa apartment pa na sabay kaming kumain ng tanghalian nila Donna at Asher. Isang linggo din siyang nakaleave sa kumpanya. Kaya si sir Darius sng acting boss muna namin. " Thank you." Ani ko. Ayaw kong maging ipokrita pero namiss ko siya ng subra. Namiss ko iyong presensya niya na inaasar niya ako at lagi siyang nangungulit sa
Rizza's POV Napasinghap ako nang may biglang kumurot ng mahina sa tagiliran ko. Si Donna...na ngayon ay nanunukso ang tingin sa akin. " Baka mabalitaan ko nalang na may kapatid na si Asher." Aniya. Pinandilatan ko siya ng mata.Baka marinig kasi ni Damian sa labas ang lakas pa naman ng boses ng babaitang ito. " Eh, malay ko ba kung gumawa na nga kayo ni Damian ng kapatid ni Asher." " Donna, bibig mo talaga ang ingay mo." Napahagalpak naman siya ng tawa. Ang lakas talaga mang-asar ang babaitang ito. " Ganyan talaga kapag madiligan na masaya at blooming." Habang inaasar ako ni Donna panay tawa naman siya sa tabi ko. Natigil lang ang pang-aasar niya sa akin nang pumasok na si Damian sa kusina bitbit niya ang pagkain na kanyang inorder. " Doon nalang kaya tayo sa sala kakain." Ani ko. Kaswal lang naman ang pagkasabi ko pero ang bruha ng si Donna nang-aasar na naman ang tingin nito. " Okay,baby." Mabilis na sagot ni Damian. Narinig ko pa ang pagsinghap ni D







