เข้าสู่ระบบPagkababa ni Izzette mula sa opisina ni Gian, dahan-dahan siyang pumasok muli sa kwarto ni Leo. Mahimbing pa ring natutulog ang bata — payapa ang mukha, parang walang inaalala. Umupo siya sa maliit na sofa sa gilid ng kama, tinitiyak na hindi siya gagawa ng ingay. Hawak niya ang kanyang cellphone sa mababang volume, nagbabantay habang natutulog ang bata.
Minsan niyang napadaan ang tingin sa bintana — ang ganda ng hapon, ang sinag ng araw na pumapasok ay mainit at malambot, parang damdamin niya ngayon. Hindi pa rin makalimutan ang sinabi ni Gian — huwag mo na akong tawaging ‘Sir’… Gian na lang. At ang pag-aalala nito sa pag-aaral niya… parang hindi na siya lang yaya rito. Parang bahagi na siya ng pamilyang ito. Biglang umugong nang mahina ang cellphone niya — may tumatawag. Nang tingnan niya ang screen, nakita niya ang pangalan ng grupo nila: BFFs 4ever 💛. Sina Cassie, Maddie, at Mavy — sabay-sabay siyang tinawagan sa video call. Dahan-dahan niyang sinagot ang tawag, itinakip nang kaunti ang mikropono para hindi magising si Leo. Lumitaw ang tatlong mukha sa screen — sabay-sabay na sumigaw pero pinigil nila nang makitang naka-finger-to-lips si Izzette. “Shhh… mahimbing na natutulog si Leo,” bulong ni Izzette nang nakangiti. “Nagbantay ako habang natutulog siya. Ano ‘to, sabay-sabay kayong tumawag?” “Syempre, kinakabahan kami para sa’yo!” bulong pabalik ni Maddie, pero kitang-kita ang tuwa sa mukha. “Kumusta ka na, bes? First few days mo pa lang ‘yan ah! Sabi ko naman sa’yo — kaya mo ‘yan!” “Kumusta na si Leo? Nagsasalita na ba? At paano ‘yung amo mo — ‘yung sikat na bilyonaryong CEO?” tanong agad ni Cassie, puno ng pagtataka. “Sabi ko naman sa’yo, huwag mong ipilit kung di kaya — pero mukhang ayos naman lahat ah?” Tumango si Izzette, lumingon saglit sa bata bago bumalik sa screen. “Ayos po lahat, guys. Si Leo… nagbabago na siya. Kanina pa siya nagsasalita — humingi pa siya ng cookies! At… medyo clingy na rin siya sa akin. Yakap nang yakap kanina.” “Ayieee! Ang sweet naman niyan!” sigaw ni Maddie nang mahina. “Sabi ko naman sa’yo, may magagawa ka sa kanya!” “At si… Sir Bradford?” tanong ni Mavy, biglang sumulit sa screen, kunot ang noo — yung kilalang seloso at mapag-alalang kaibigan. “Mabait ba siya? Hindi ka ba pinapahirapan? Baka kung ano ang pinapagawa sa’yo?” Napatawa nang mahina si Izzette. “Mavy naman, wala naman siyang ginagawang masama. Sa totoo lang… nagulat ako sa kanya kanina. Pumunta ako sa opisina niya pagkatapos patulugin si Leo — kinausap niya ako tungkol sa schedule ko. Sinabi niyang aayusin daw niya para makapag-aral ako nang maayos. At… sinabi niyang huwag ko na siyang tawaging ‘Sir’ — Gian na lang daw.” Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa screen — sabay-sabay na napanganga. “HA?! Gian na lang?!” bulong ni Maddie nang gulat. “Grabe, ang bilis naman! Ibig sabihin, malapit na kayo sa isa’t isa?” “Wala namang ganoon!” depensa ni Izzette, namumula ang pisngi. “Mabait lang siya, ‘yun lang. Inaalala niya ang pag-aaral ko. At inayos pa niya ‘yung lagayan ng cookies para hindi na ako mahirapan umakyat… muntik na kasi akong mahulog kanina.” “Muntik ka nang mahulog?! Bakit hindi mo sinabi agad?!” paninita ni Mavy, mas lalong nag-alala. “Sabi ko na nga ba — delikado ‘yang pwesto mo diyan! Baka kung ano ang mangyari sa’yo!” “Nandiyan naman si Gian… sinagip niya ako,” mahinang sabi ni Izzette, at nang maalala ang pagtitig nila, lalong namula ang mukha niya. “Malapit na malapit kami sa isa’t isa… parang tumigil ang mundo noong sandaling ‘yon.” Nagkatinginan sina Cassie at Maddie sa screen — may kakaibang ngiti sa mga labi nila. “Bes… kilala kita,” malumanay na sabi ni Cassie. “Ganito ‘yung tingin mo kapag may gusto ka na sa isang tao. Ingat ka lang, ha? Huwag mong hayaang masaktan ka — at huwag mong kalimutan na nandito kami palagi para sa’yo. Pero… mukhang mabuti naman ang intensyon niya sa’yo.” “Oo nga,” dagdag ni Maddie. “Kahit bilyonaryo siya, nakikita namin sa kwento mo na hindi lang dahil sa yaman ang nararamdaman mo. At mukhang ganoon din siya sa’yo. Basta — mag-ingat ka palagi, ha? At huwag mong kalimutang mag-update sa amin!” “Opo, opo! Kayo talo,” tumatawang sabi ni Izzette, pero puno ng pasasalamat ang puso niya. “Salamat sa inyo, talaga. Kung wala kayo… hindi ko alam kung kaya ko ‘to. Pero ngayon… mas kampante na ako. Nandiyan si Leo, nandiyan si Gian… at nandiyan kayo. Salamat sa paniniwala niyo sa akin.” “Walang anuman, bes! Good luck palagi! Kaya mo ‘yan!” paalam ni Maddie habang kumakaway. “Tandaan mo — huwag ipilit kung di kaya ha! At mag-ingat ka!” paalala ni Cassie. “Tawagan mo kami agad kung may mangyaring masama ha! Aakyatin ko pa ‘yang mansyon na ‘yan!” banta ni Mavy, pero nakangiti naman siya. Nang maputol na ang tawag, ibinaba ni Izzette ang cellphone at tumingin ulit kay Leo. Ang puso niya ay puno ng pag-asa at ligaya — hindi lang dahil sa suporta ng mga kaibigan niya, kundi dahil nararamdaman niyang unti-unti nang nagiging tahanan niya rin ang lugar na ito. Biglang gumalaw nang bahagya si Leo — dumilat nang kaunti, nakita si Izzette, at dahan-dahang ngumiti bago muling pumikit. “Nandito lang ako, baby,” bulong niya. “Hinding-hindi ako aalis.” Sa labas ng p***o, nakatayo si Gian — hindi niya alam na nandoon siya. Narinig niya ang huling sinabi ni Izzette, at naramdaman niya ang init ng pagmamahal na ibinibigay ng babae sa anak niya — at sa kanya rin, nang hindi niya namamalayan. Mahimbing pa ring natutulog si Leo, at habang nakahiga siya sa kama, dahan-dahan niyang hinila ang braso ni Izzette hanggang sa yakap-yakap niya ito nang mahigpit — parang ayaw na niyang bumitaw kahit sa panaginip lang. Nakaupo si Izzette sa gilid ng kama, hinahaplos ang buhok ng bata habang nakangiti nang malambot, hindi inaalis ang braso niya sa yakap ni Leo para hindi magising ang bata. Katahimikan ang buong kwarto, tanging ang mahinang paghinga lang ni Leo ang naririnig. Hanggang sa biglang gumalaw ang bata — hindi nagmulat ng mata, nanatiling tulog — at dahan-dahang bumulong nang napakahina pero malinaw, parang musika sa pandinig ni Izzette: “Mommy… Izzette…” Nanigas si Izzette sa kinauupuan niya. Hindi siya makagalaw, hindi siya makahinga — parang tumigil ang mundo sa sandaling iyon. Naramdaman niya ang mainit na luhang pumatak sa pisngi niya. Mommy… tinawag niya akong Mommy. Isang salitang hindi niya inaasahang maririnig mula sa bibig ng batang matagal nang walang ina. Isang salitang nagpapahiwatig na hindi na lang siya basta yaya sa paningin ni Leo — kundi pamilya na. Dahan-dahan niyang hinawakan ang maliit na kamay ni Leo na nakayakap sa kanya, at niyakap ito pabalik nang mahigpit pero malambot. Humawak siya nang mahigpit, parang ayaw na ring bumitaw. “Nandito lang ako, baby… Mommy’s here,” bulong niya nang nanginginig ang boses, puno ng pagmamahal na hindi niya akalaing mararamdaman niya nang ganito kabilis. “Hinding-hindi na ako aalis. Nandito lang ako palagi para sa’yo.” Hindi niya alam na sa labas ng p***o, nakatayo doon si Gian — pupunta sana siya sa kwarto para tingnan ang anak niya bago bumalik sa trabaho. Pero nang marinig niya ang bulong ng anak niya — Mommy… Izzette — at ang sagot ni Izzette, tumigil siya sa paghakbang. Nakatayo siya doon, hindi makagalaw, at biglang namasa ang kanyang mga mata — isang bagay na matagal na niyang hindi nararanasan. Ang anak niya… tinawag na niyang Mommy ang babaeng nagbigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang hinahanap. At si Izzette… tinanggap niya ito nang buong puso, walang pag-aalinlangan, walang pagpipilit — kundi buong pagmamahal. Dahan-dahang umatras si Gian palayo sa p***o, ayaw na maabala ang dalawa. Pero sa sandaling iyon, alam niya na — hindi na lang basta nagtatrabaho si Izzette sa kanila. Pumasok na siya sa buhay nila, sa puso ni Leo… at unti-unti na ring pumapasok sa puso niya rin. Ilang sandali pa, dahan-dahang bumukas ang p***o. Pumasok si Gian — hindi na ang seryosong mukha na nakasanayan niya, kundi may halong pagtataka at pag-aalala ang kanyang mga mata. Tumingin siya muna sa anak niya na mahimbing pa ring natutulog, yakap pa rin ang braso ni Izzette, bago tumingin sa kanya nang diretso. “Bakit… tinawag niyang Mommy ka?” tanong niya nang mahina, hindi parang nagtatanong na may galit, kundi parang hindi makapaniwala. “Hindi pa niya tinatawag na Mommy ang kahit na sino… kahit ang tunay niyang ina.” Napasinghap si Izzette, dahan-dahang binawi ang braso nang hindi ginigising ang bata, at tumingin sa kanya nang tapat. “Hindi ko po alam, Gian… tulog pa siya noong sinabi niya ‘yon. Parang… parang sa panaginip niya, ako ‘yung taong hinahanap-hanap niya. Wala po akong pinilit, pangako.” Lumapit nang kaunti si Gian, at ang lamig na nakapaligid sa kanya kanina ay tila unti-unting natutunaw. “Alam ko. Hindi ko sinasabing may ginawa ka nang masama. Nagugulat lang ako… matagal na siyang walang ina. Umalis ‘yung asawa ko noong ipinanganak pa lang si Leo. Hindi niya kahit kailan narinig o naramdaman ang pagmamahal ng isang ina — hanggang sa dumating ka.” Napahawak si Izzette sa bibig niya sa gulat. Hindi niya inaasahang ibabahagi niya ang ganoong kalalim na bahagi ng buhay niya. “Gian… hindi ko po alam ‘yon.” “Wala namang nakakaalam,” bulong niya, tumingin sa anak niya nang may halong lungkot. “Kaya siguro ganoon siya katagal tahimik — parang kulang ang mundo niya. Pero noong dumating ka… parang napuno ‘yung kulang. Tinawag ka niyang Mommy kasi… ikaw ‘yung nagbibigay sa kanya ng pagmamahal na inaasahan niya mula sa isang ina. Hindi dahil gusto niyang palitan ang tunay niyang ina… kasi ikaw ‘yung nandiyan para sa kanya.” Tumingin siya kay Izzette nang malalim — mas malalim kaysa sa dati. “At hindi lang siya ang nakakaramdam niyan… ako rin.” Nanlaki ang mata ni Izzette sa sinabi niya. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya, pero ang bawat salita ni Gian ay puno ng katotohanan at damdamin na matagal na niyang itinatago. “Gian…” pangalan lang ang naisambit niya, nanginginig ang boses. “Hindi ko pa lubusang naiintindihan ang lahat, Izzette,” pagpapatuloy niya, dahan-dahang inilapit ang kamay niya sa kanya — hindi humahawak, parang nagtatanong ng pahintulot. “Pero alam ko na simula noong dumating ka… bumalik ang kulay sa buhay namin ni Leo. At ‘yung tawag na ‘Mommy’… hindi lang basta salita para sa kanya. Ito ‘yung pagtanggap niya sa’yo — bilang bahagi ng pamilya namin.” Tumango si Izzette, tumulong na pumatak ang luha na kanina pa niya pinipigilan. “Kung ganoon… handa po akong maging Mommy para sa kanya. Hinding-hindi ko po siya iiwan, pangako. At… handa rin po akong maging bahagi ng pamilyang ito — kung tatanggapin niyo ako.” Dahan-dahang ngumiti si Gian — isang ngiting puno ng pag-asa at pagtanggap. “Tinanggap ka na namin, Izzette. Matagal na.” Nang marinig niya ang sinabi ni Gian — ikaw 'yung nagbibigay sa kanya ng pagmamahal na inaasahan niya — hindi mapigilan ni Izzette ang pagkamangha at halong pag-aalinlangan. Umiling siya nang bahagya, puno ng katotohanan ang kanyang boses. “Pero Gian… two days palang ako andito,” mahina pero tapat niyang sabi, habang nakatingin sa natutulog na si Leo. “Dalawang araw pa lang ang lumilipas simula noong pumasok ako sa pintong ito. Hindi ko po inakala na ganito kabilis… na ganito kalalim ang magiging epekto ko sa inyo. Parang ang bilis naman, ‘di ba? Dalawang araw lang… pero parang matagal na akong bahagi ng buhay niyo.” Tinitigan siya ni Gian nang matagal — hindi nagtatanong kung bakit niya sinabi ‘yon, kundi parang naiintindihan niya nang buong-buo ang sinasabi ng babae. Dahan-dahan siyang lumapit nang kaunti pa, at ang boses niya ay naging mas malambot, parang nagbabahagi ng isang bagay na matagal na niyang kinikimkim. “Alam ko,” malalim niyang sagot. “Dalawang araw pa lang, Izzette. Pero may mga pagkakataon na hindi kailangan ng mahabang panahon para malaman mong may taong nakalaan para sa’yo. Sa loob ng dalawang araw na ‘yon… naramdaman ni Leo ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa loob ng apat na taon. At ako… naramdaman ko ang kapayapaang matagal ko nang hinahanap. Hindi mahalaga kung dalawang araw o dalawang taon — ang mahalaga ay kung paano mo binago ang buhay namin sa loob ng panahong ‘yon.” Napaluha lalo si Izzette sa sinabi niya. Tama siya. Hindi sa haba ng panahon nasusukat ang pagmamahal at pagtanggap — kundi sa katapatan at kabutihang-loob na ibinibigay mo sa bawat sandali. “Dalawang araw pa lang…” bulong niya, habang hinahaplos nang dahan-dahan ang buhok ni Leo. “Pero parang matagal na akong gustong manatili dito. Parang… parang dito na talaga ang tahanan ko.” “Dahil dito ka na talaga nakatagpo ng tahanan, Izzette,” sagot ni Gian nang may katapatan. “At hinding-hindi na kita hahayaang umalis.” to be continue~Isang taon ang lumipas — isang taon na puno ng pagmamahal, pagtutulungan, at walang humpay na suporta. At ngayon… ang araw na pinakahihintay ni Izzette sa loob ng mahabang panahon — ang kanyang Pagtatapos.Nakatayo siya sa gitna ng entablado, suot ang kanyang toga at sumbrero, hawak ang kanyang diploma — Bachelor of Science in Marketing, Cum Laude. Ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi maipaliwanag — halo-halong saya, pasasalamat, at tagumpay. Hanap-hanap niya ang mga taong naging dahilan kung bakit siya nakarating dito — at sa gilid ng entablado, nandoon sila.Nakatayo si Gian Alessandro Bradford, nakasuot ng pormal na suit, hawak ang kamay ng kanilang apat na taong gulang na si Leo. Pareho silang nakangiti nang pinakamalaki — puno ng pagmamalaki at pagmamahal. Nang matawagin ang pangalan ni Izzette, tumayo sila at pumalakpak nang pinakamalakas — kasama sina Cassie, Maddie, at Mavy na nasa likuran nila, umiiyak sa tuwa para sa kanilang matalik na kaibigan.Nang matapos ang seremonya, a
Mabilis na nag-ayos si Izzette — nakasuot na siya ng maayos na damit pang-school, naka-bag na sa balikat, at handa nang umalis. Pagbaba niya sa sala, sinalubong siya ni Leo na tumatakbo palapit nang mabilis, yakap nang mahigpit ang kanyang binti na parang ayaw magpaalam.“Mommy… balik ka ha? Babalik ka talaga dito pagkatapos ng school mo?” tanong ng bata, may halong takot sa boses — parang natatakot na baka hindi na siya bumalik.Lumuhod si Izzette para pantayan siya, hinawakan nang mahigpit ang maliliit na kamay nito, at ngumiti nang pinakamapayapa at pinakatapat na ngiti.“Pangako, baby. Babalik ako. Hinding-hindi ako aalis nang hindi nagpapaalam sa’yo. Mag-aaral lang ako para makatapos, tapos uuwi agad ako dito — sa inyo. Sa pamilya ko.”Hinalikan niya ang noo ni Leo at niyakap ito nang mahigpit bago tumayo. Nandoon din si Gian, nakangiti at puno ng paghanga habang pinapanood sila — alam niyang tama ang desisyon niya, at alam niyang ligtas ang puso ng anak niya sa piling ng babaeng
Pagkatapos ng masayang date nila sa mall, pag-uwi sa bahay ay payapa at puno pa rin ng saya ang lahat. Inihanda na ni Izzette si Leo para matulog — pinaliguan, binihisan ng pambahay, at binasa ng kwento hanggang sa makatulog nang mahimbing ang bata. Dahan-dahan niyang inayos ang kumot at hinalikan ang noo nito bago lumabas ng kwarto.Pagbaba niya sa sala, nandoon pa rin si Gian — nakatayo malapit sa bintana, tila hinihintay siya. Nang marinig ang mga hakbang niya, lumingon siya agad at lumapit nang dahan-dahan.“Tulog na si Leo?” mahinang tanong niya.Tumango si Izzette. “Opo… mahimbing na po. Babalik na po ako sa kwarto ko para magpahinga rin.”Akma nang aakyat na sana siya nang hawakan ni Gian nang marahan ang kamay niya — mahigpit pero banayad, parang ayaw siyang palayain. Tinitigan niya ito nang malalim, at sa boses niyang puno ng pagmamahal at katapatan, sinabi niya:“Dito ka na matulog.”Nanlaki ang mata ni Izzette sa gulat. “Gian… p-pero po… ang kwarto ko po ay nasa kabilang ba
Nang makalayo na sila nang tuluyan sa tatlong babae, huminto sila sa isang tahimik at maliit na sulok sa loob ng mall — malayo sa tao, payapa. Hinarap ni Gian si Izzette, huminga nang malalim, parang pinaghahandaan ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. May kakaibang kaba sa dibdib niya — pero mas malakas ang kagustuhan niyang sabihin na ang totoo.Tinitigan niya si Izzette nang malalim, dahan-dahang nagsalita nang puno ng katapatan:“Uhm… Izzette… may sasabihin ako.”Napatingin si Izzette sa kanya — tumigil ang paghinga niya nang kaunti, naramdaman niyang may mahalagang bagay na sasabihin ang lalaki. Tugon niya nang malumanay:“Ano ‘yun, Gian?”Akma nang itutuloy na sana ni Gian ang sasabihin niya — ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim — nang biglang sumingit si Leo sa pagitan nila, hinila ang laylayan ng damit ni Izzette nang may kagalakan at pananabik sa kanyang mukha.“Mommy! Laro ako sa Kidzoona!” masiglang pakiusap ng bata, itinuturo ang malapit na palaruan na puno n
Nasa kwarto na si Izzette, nakaupo sa harap ng laptop, seryosong nagta-type at nagbabasa ng mga sanggunian para sa research paper niya sa Marketing. Medyo nakakunot ang noo niya habang sinusuri ang mga datos — mahirap kasing pagtugmain ang mga impormasyon, at kailangan pa niyang ayusin ang buong estruktura ng papel bago maging takdang-aralin.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Sumilip si Gian, hindi agad pumasok para hindi manggulo. Nang makita niyang nakatingin siya sa kanya, dahan-dahan siyang lumapit at tumayo sa likod ng upuan niya, tinitingnan ang screen nang hindi nakikialam.“Mukhang mahirap ah,” bulong niya, at bahagyang napangiti nang lumingon siya sa kanya. “Want some help? I can help you with that — Marketing ‘di ba?”Napatingin si Izzette sa kanya, namula nang bahagya. “Kaya ko naman po… pero sigurado ka bang may oras ka pa para tulungan ako? Baka abala pa kita.”“Para sa’yo, may oras ako palagi,” malumanay na sagot ni Gian, at umupo siya sa gilid niya — sapat na lapit para m
Pagkaalis ni Devine, dahan-dahang lumapit si Leo kay Izzette, hinawakan ang kamay niya nang mahigpit, at nakangiting masiglang nagsalita:“Mommy, tara laro tayo!”Napangiti agad si Izzette, nawala ang bigat ng kaninang tensyon. “Sige, baby! Ano ang gusto mong laruin?”“Sa backyard po! May laruan ako doon!” hila-hila siya ng bata palabas.Sumunod si Izzette habang nakangiti kay Gian — parang sinasabing babalik kami agad. Naiwan si Gian sa sala, nakatingin sa kanila habang papunta sa malawak na hardin sa likod ng bahay. Napangiti siya nang kusa — ang ganda tingnan, ang liwanag ng araw na bumabalot sa kanila, parang talagang mag-ina.Naglalaro sila ni Leo — naghahabulan, nagtatawanan, puno ng buhay ang dating tahimik na bakuran. Hanggang sa biglang bumukas ang gate ng sasakyan at bumaba ang dalawang lalaking pamilyar kay Gian — ang matalik niyang kaibigan at kasama sa negosyo na sina Justin Kyle Yu at Oliver Hwang.Nang makita nila si Gian na nakatayo sa pinto ng bahay, kumaway sila at n







