Home / Romance / Babysitting the Billionaire Son / Chapter 1 First Day at the Mansion

Share

Chapter 1 First Day at the Mansion

Author: Iza wp
last update publish date: 2026-08-31 13:19:14

Monday morning, maaga pa lang ay gising na gising na si Izzette. Alas-singko pa lang, pero hindi na siya makatulog sa kaba at excitement. Ngayon na ang unang araw niya bilang live-in babysitter ni Leo. Nag-impake na siya kagabi—isang malaking travel bag lang ang dala niya, hindi naman masyadong marami ang gamit niya. Bago siya umalis ng boarding house, dumaan muna siya sa maliit na café kung saan madalas silang magkita ng mga kaibigan niya—si Cassie Elara Marquez, Maddie Isabelle Cruz, at Mavy Antonio Santos. Nandoon na silang tatlo, naghihintay sa kanya, may dalang mainit na kape at pandesal para sa kanya.

“Grabe, ang ganda ng ngiti mo, Izz!” bati agad ni Maddie, tumatayo at niyakap siya nang mahigpit. “First day of work mo na ngayon, ‘no? Good luck, bes! Kaya mo ‘yan! Alam kong magugustuhan ka agad ng bata, napakabait mo pa naman.”

Napangiti si Izzette at niyakap pabalik ang kaibigan. “Salamat, Maddie… sana nga. Medyo kinakabahan kasi ako, first time ko maging yaya eh. Lalo na’t sabi sa post, mahirap daw lapitan si Leo.”

Umupo si Cassie sa tabi niya, seryoso ang mukha pero puno ng pag-aalala. “Huwag kang masyadong mag-alala, Izz. Pero tandaan mo ‘to—huwag mong ipilit kapag di kaya. Kung nakikita mong masyadong mahirap, o kung hindi ka komportable sa sitwasyon, okay lang na huminto ka. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo para lang sa pera. Nandito kami para sa’yo, ‘di ba?”

Tumango si Izzette, ramdam ang init ng pagkakaibigan nila. “Alam ko, Cassie… salamat. Pero gusto ko talagang subukan. Kailangan ko ‘to para sa tuition ko, at bukod pa doon… naaawa talaga ako kay Leo. Gusto kong maging taong hindi siya iiwan.”

Biglang umupo si Mavy sa kabilang tabi niya, kunot ang noo at seryosong-seryoso ang mukha—yung itsurang kilala nilang lahat. “Hoy, Izzette,” panimula niya, may halong babala ang boses. “Babalaan kita ha, alam kong mabait ka at lahat, pero huwag kang magpapaloko sa mayaman na ‘yan ah? Lalo na’t mag-isa ka sa mansyon nila kasama ang tatay ng bata. Baka kung ano ang isipin ng iba, o baka kung ano ang mangyari sa’yo. Seloso ako sa’yo, alam mo ‘yan—ayaw kong napapahamak ka o naaabuso ang kabaitan mo.”

Napatawa silang dalawa ni Maddie sa sinabi ni Mavy. “Mavy naman, sobrang OA mo talaga!” sabi ni Maddie habang tumatawa. “Si Gian Alessandro Bradford pa ‘yan, ang sikat na CEO ng Bradford Global Empire! Sigurado ka bang babaguhin niya ang buhay niya para lang sa isang bagong yaya?”

“Wala nang masama na mag-ingat lang tayo,” depensa ni Mavy, pero nakangiti na rin siya nang bahagya. “Sige na, umalis ka na bago ka pa mahuli. Tandaan mo—mag-ingat ka palagi, at kung may problema ka, tawagan mo kami agad, ha? Kahit anong oras.”

“Opo, opo! Sige na po, aalis na ako!” tumayo si Izzette at niyakap silang tatlo nang mahigpit. “Salamat sa inyo, talaga. Wala akong mararating kung wala kayo. Mag-uupdate ako palagi, promise!”

Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at sumakay ng papuntang exclusive subdivision kung saan nakatira ang mga Bradford. Habang nasa biyahe, hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng mga kaibigan niya—lalo na ang paalala ni Cassie at ang babala ni Mavy. Alam niyang tama sila—kailangan niyang maging maingat, at huwag magpadalos-dalos. Pero sa kabila ng kaba, mas malakas ang loob na nararamdaman niya. Ito na ang simula ng pagbabago para sa kanya.

Pagdating niya sa tapat ng malaking gate ng mansyon, napasinghap siya sa laki at ganda ng bahay. Napakalaki nito, gawa sa bato at salamin, matatayog ang pader, at napakalawak ng bakuran. Tahimik at elegante, pero may halong lamig—parang walang buhay. Kumatok siya nang dahan-dahan, at agad na binuksan ng isang matandang kasambahay na magalang ang mukha.

“Magandang umaga po,” bati ni Izzette nang may paggalang. “Ako po si Izzette May Delgado… nag-apply po ako bilang babysitter ni Leo.”

Tumango ang matanda at pinapasok siya. “Magandang umaga rin po, Miss Izzette. Hinihintay na po namin kayo. Halikayo.”

Pagpasok niya sa loob, mas lalo siyang namangha—pero mas lalo rin niyang naramdaman ang lamig ng mansyon. Maganda, malinis, at puno ng mamahaling gamit, pero walang ingay, walang tawanan, walang buhay. Parang isang museo kaysa sa tahanan.

Dinala siya ng kasambahay sa isang malaking kwarto sa ikalawang palapag—ang kwarto daw ni Leo. Dahan-dahang binuksan ang p***o, at doon niya nakita ang isang maliit na batang lalaki, nakaupo sa gitna ng malaking kwarto na puno ng mamahaling laruan, pero hindi niya ito pinapansin. Yakap-yakap niya ang isang luma at medyo punit-punit na stuffed bear, nakayuko at hindi tumitingin sa kanila. Si Leo—apat na taong gulang, maputi, may matang kulay itim na parang puno ng kalungkutan.

“Leo…” tawag ng kasambahay nang mahina. “Nandito na ang bagong kaibigan mo, si Miss Izzette.”

Hindi tumugon ang bata. Hindi man lang tumingala.

Lumapit si Izzette nang dahan-dahan, dahan-dahan ang bawat hakbang para hindi siya matakot. Lumuhod siya sa harap ng bata, sapat na para magkapantay sila ng taas, at ngumiti nang pinakamabait niyang ngiti.

“Hello, Leo…” malambing niyang boses, mahina at puno ng pag-iingat. “Ako si Izzette. Masaya akong makilala ka.”

Tumingin ang bata sa kanya nang saglit—isang tingin na puno ng pagdududa at pag-iingat—bago ibinalik ang tingin sa sahig. Hindi siya nagsalita. Pero hindi umalis si Izzette. Nanatili siya roon, nakangiti, handang maghintay hanggang sa maghanda na si Leo.

Sa sandaling iyon, alam ni Izzette na hindi magiging madali ang trabahong ito. Pero habang tinitingnan niya ang malungkot na batang nasa harap niya, naalala niya ang sinabi niya sa mensaheng ipinadala niya—hindi ko siya iiwan. At sa sandaling iyon, pinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para mapangiti ang batang ito. Kahit gaano pa katagal.

Nang makaalis na ang kasambahay na naghatid sa kanya, dahan-dahang lumapit ang dalawang babaeng nagtatrabaho sa kusina — Aling Faye at Aling Rosie. Pareho silang mukhang mababait, matagal na rito sa mansyon, at parang may gustong sabihin pero nag-aalinlangan.

Nakangiti silang lumapit kay Izzette, parang nag-aalala na rin agad para sa kanya.

“Magandang umaga po ulit, Aling Faye, Aling Rosie,” bati ni Izzette nang magalang, hindi nakakalimutang magpakita ng respeto.

Tumango si Aling Faye, may halong lungkot ang mukha habang nakatingin sa p***o ng kwarto ni Leo. “Magandang umaga rin sa’yo, Miss Izzette. Sana… sana magtagal ka rito.”

Tumango si Aling Rosie, bumuntong-hininga nang malalim. “Alam mo ba, Miss? Tahimik ‘yang batang ‘yan — sobrang tahimik, halos hindi nagsasalita. At halos lahat ng naunang yaya niya, nag-resign na agad. Hindi dahil masama siya — hindi naman siya pasaway o nananakit — pero ang bigat kasi ng pakiramdam kapag kasama mo siya. Parang ang lamig-lamig, at parang… parang hindi ka niya pinapapasok sa mundo niya. Mabilis silang napapagod, nawawalan ng pag-asa, at umaalis na lang din bigla.”

“Kaya hindi kami nagugulat kung sakaling mahirapan ka rin,” dagdag pa ni Aling Faye, malambot ang boses pero tapat. “Mabait naman ang bata, alam namin ‘yon. Pero… matagal na siyang nasanay na mag-isa. Mahirap basagin ang pader na itinayo niya sa paligid niya.”

Napatingin si Izzette pabalik sa p***o ng kwarto kung saan nandoon pa rin si Leo — tahimik, nag-iisa, at parang walang pakialam sa paligid. Pero imbes na matakot o mawalan ng pag-asa, lalo siyang nakaramdam ng determinasyon. Naalala niya ang sinabi nina Maddie, Cassie, at Mavy kanina — kaya mo ‘yan, huwag mong ipilit kung di kaya, mag-ingat ka. At ngayon, naririnig niya ang parehong babala mula sa mga matagal nang nakakakilala sa bata.

Ngunit lalong tumibay ang loob niya.

“Salamat po sa pagbabala ninyo, Aling Faye, Aling Rosie,” malumanay pero matatag na sagot ni Izzette. “Naiintindihan ko po. At hindi po ako nangangako na magiging madali ‘to — alam kong mahaba ang pasensya na kailangan dito. Pero handa po akong maghintay sa kanya. Hindi ko po siya madaliin. Kung kailangan niya ng panahon… ibibigay ko ‘yun sa kanya.”

Nagkatinginan ang dalawang kasambahay — may halong pagkamangha at pag-asa sa kanilang mga mata.

“Sana nga, Miss Izzette,” bulong ni Aling Rosie. “Sana ikaw na ‘yung taong magpapatunay sa kanya na hindi lahat ay umaalis.”

“Pupunta lang muna kami sa kusina para maghanda ng tanghalian,” sabi ni Aling Faye. “Kung may kailangan ka, tawagin mo lang kami ha? Nandito lang kami sa baba.”

“Salamat po,” ngumiti si Izzette.

Nang makaalis na ang dalawa, humarap ulit si Izzette sa p***o ng kwarto ni Leo. Huminga siya nang malalim, itinabi ang kaba, at pumasok nang dahan-dahan — handang manatili, handang maghintay, at handang maging kaibigan sa batang matagal nang naghihintay ng taong hindi siya iiwan.

Ilang oras na ang lumipas. Tahimik pa rin ang loob ng kwarto ni Leo. Nakaupo si Izzette sa sahig, malayo nang kaunti sa bata — hindi masyadong malapit para hindi siya matakot, pero hindi rin masyadong malayo para maramdaman niyang nandiyan siya. Pinapanood lang niya si Leo na yakap-yakap pa rin ang luma niyang teddy bear, walang kibo, parang estatwa sa gitna ng malawak na kwarto. Hindi siya nagpipilit magsalita, hindi siya nagtatanong nang paulit-ulit — nandiyan lang siya, tahimik at mapagmasid, handang maghintay hanggang sa maging handa na ang bata.

Biglang narinig nila ang pagbukas ng p***o sa labas — hindi yung dahan-dahang pagbukas ng mga kasambahay, kundi mabilis, may diin, at parang may awtoridad. Naramdaman ni Izzette na biglang bumigat ang hangin sa buong kwarto.

Dumating siya.

Dahan-dahang bumukas ang p***o, at pumasok ang isang lalaki — matangkad, malapad ang balikat, at suot ang isang mamahaling tailored suit na kulay itim, na parang bahagi ng kanyang pagkatao: matigas, pormal, at walang puwang para sa kahit anong lambing. His face was sharp, jawline firm, and his eyes — dark, cold, and intimidating — scanned the room like he was inspecting a business deal, not entering his son’s bedroom.

Gian Alessandro Bradford. Ang bilyonaryong CEO ng Bradford Global Empire. Ang tatay ni Leo.

Hindi man lang siya tumingin kay Leo na nasa sahig. Diretso ang tingin niya kay Izzette, at sa sandaling iyon, parang naging bato ang paa ni Izzette sa sahig — hindi siya makagalaw, parang tinatasa ang bawat bahagi ng pagkatao niya ng matatalim niyang mata.

“You must be the new nanny,” bungad niya — walang pagbati, walang ngiti, boses na mababa pero puno ng awtoridad, parang utos na agad. “I’m Gian Bradford. Leo’s father.”

Tumayo agad si Izzette, kinakabahan pero pinilit na maging matatag. “M-magandang hapon po, Sir. Ako po si Izzette May Delgado. I’m honored to meet you po.”

Isang mabilis na tingin lang ang ibinigay ni Gian sa kanya — mula ulo hanggang paa, walang emosyon, parang sinusuri kung karapat-dapat ba siya. Tila may napansin siyang hindi tugma sa impormasyon na nakuha niya, kaya nagsalita siya ulit nang diretsahan.

“Wait — are you a student?” tanong niya, tinitigan siya nang maigi, parang may mali sa sinabi niya. “If you’re a student… do you do online classes or face-to-face classes?”

Nanlaki nang kaunti ang mata ni Izzette sa tanong na iyon — hindi niya inaasahang itatanong niya ‘yon agad-agad. Pero hindi siya nagtago, sumagot siya nang tapat at diretsahan.

“Opo, Sir. Third year po ako, taking up Marketing,” pag-amin niya, mahinahon pero matapang na tinitigan siya. “Face-to-face po ang classes ko. Pero inayos ko na po ang schedule ko — umaga lang po ang pasok ko, at hapon hanggang gabi ay libre po ang oras ko. Makakayos po ako nang maayos, promise. Hindi po makakaapekto ang pag-aaral ko sa pag-aalaga ko kay Leo.”

Tumahimik si Gian sandali, parang iniisip kung sapat ba ang paliwanag na iyon. “Kung ganoon… siguraduhin mong hindi magiging hadlang ang pag-aaral mo sa trabaho mo dito. I don’t want Leo to be neglected just because you have school matters to attend to,” seryosong paalala niya, may halong babala ang boses. “If ever magkaroon ng problema sa schedule mo, sabihin mo agad. Ayaw ng paligoy-ligoy.”

“Naiintindihan ko po nang lubusan, Sir. Hinding-hindi ko po pababayaan si Leo. Gagawin ko po ang lahat para mapagsabay ko nang maayos ang pag-aaral at ang trabaho ko,” matatag na sagot ni Izzette.

Tila kontento na siya sa sagot ni Izzette, kaya itinuloy niya ang sinasabi niya kanina. “Alam mo ba kung bakit lahat ng nauna sa’yo ay umalis na?” Hindi na siya naghintay ng sagot. “Leo is… difficult. He doesn’t speak, he doesn’t connect, and most people find it exhausting. If you can’t handle it — if you’re here just for the money and you’ll leave after a few weeks — tell me now. I have no time for people who quit.”

Nanlamig ang kamay ni Izzette, pero hindi siya umiwas ng tingin. Naalala niya ang sinabi nina Cassie, Maddie, Mavy, at ng mga kasambahay — lahat sila ay nagbabala sa kanya. Pero sa harap ng lalaking ito, hindi niya ipapakita na natatakot siya.

“Naiintindihan ko po ang sinasabi niyo, Sir,” sagot niya nang mahinahon pero matatag. “Alam ko pong hindi magiging madali. Pero hindi po ako basta-basta sumusuko. Nandito po ako hindi lang para sa trabaho — nandito po ako para kay Leo. I’ll give him all the time and patience he needs. Hindi ko po siya iiwan nang ganoon lang.”

Tinitigan siya ni Gian nang matagal — parang sinusubukan kung nagsasabi siya ng totoo. Wala siyang nakitang takot sa mga mata ng babae, kundi katapatan at kabutihang-loob — bagay na matagal na niyang hindi nakikita sa mga taong pumapasok sa mansyong ito.

“Let’s see,” maikli niyang sagot, at parang biglang nawalan ng interes. “Just remember: your main priority is Leo. His meals, his rest, his safety. Do not disturb me unless it’s an emergency. I have work to do.”

Tumingin siya saglit sa anak niya — saglit lang, parang nahihirapan — bago muling tumingin kay Izzette. “If you need anything, tell Faye or Rosie. I don’t have time for small matters.”

At bago pa man makasagot si Izzette, lumingon na siya at lumabas ng kwarto — mabilis, walang lingon, parang ang bigat ng mundong pasan-pasan niya ay pumipigil sa kanya na manatili sa tabi ng anak niya.

Nang makaalis na si Gian, huminga nang malalim si Izzette — parang nawalan siya ng hangin sandali. Ang lamig ng lalaking iyon… parang ang mansyon ay mainit pa rin kumpara sa kanya. Pero nang lumingon siya kay Leo, nakita niyang nakatingin na sa kanya ang bata — hindi na nakayuko, nakatingin nang diretso sa kanya, parang tinitingnan kung tatakbo ba siya gaya ng iba. At parang narinig niya ang lahat — pati ang usapan tungkol sa pag-aaral niya.

Ngumiti si Izzette — maliit, malambing, at totoo. “Nandito pa rin ako, Leo. Hindi pa ako umaalis. At kahit may pasok ako sa umaga… babalik at babalik ako sa’yo ha?”

At sa sandaling iyon, parang may maliit na bahagi ng pader na itinayo ng bata — at ng kanyang tatay — na unti-unting nagkakaroon ng bitak. 💛

to be continue~

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting the Billionaire Son   Epilogue: Forever Starts Now

    Limang taon na ang lumipas mula noong araw na iyon sa simbahan — at ang mansyon na dating tahimik at malamig ay punong-puno na ngayon ng tawanan, kulay, at buhay.Nakaupo si Izzette sa malawak na hardin, hawak ang kamay ng kanyang panganay na si Leo — na pitong taong gulang na ngayon, matalino, at puno ng kabutihan katulad ng kanyang mga magulang. Sa kabilang bisig naman niya ay ang kanyang bunsong anak na babae — si Gianna Isabella Bradford, dalawang taong gulang na may kintab na mga mata at matamis na ngiti, ang tapat na kopya ng kanyang ama.Lumapit si Gian mula sa likuran at niyakap silang lahat nang mahigpit — ang kanyang mga anak at ang babaeng nagbigay ng buhay at kulay sa kanyang mundo. Hinalikan niya si Izzette sa noo, at sa bawat haplos ay nararamdaman pa rin ni Izzette ang parehong init at pagmamahal — mas matindi pa ngayon kaysa noon.“Masaya ka ba, mahal?” bulong ni Gian sa kanyang tainga. “Ito ba ang pangarap mo?”Tumingin si Izzette sa paligid — nandoon si Mama Franches

  • Babysitting the Billionaire Son   Chapter 12 The Wedding — Ang Pinakamagandang Araw

    Ang simbahan ay napapaligiran ng mga puting rosas at gintong ilaw — puno ng pag-asa at pagmamahal ang bawat sulok. Nandoon ang lahat — sina Mama Francheska na umiiyak sa tuwa, si Lolo Benedict na nakangiti nang may pagmamalaki, sina Cassie, Maddie, at Mavy na panay ang punas ng luha, at sina Justin at Oliver na parang mga kapatid na nakakita sa tagumpay ng kaibigan nila. At sa gitna ng altar — si Leo, na nakasuot ng maliit na suit, hawak ang mga singsing na nakaupo sa isang maliit na unan, parang munting prinsipe na handang pagbuklurin ang mga taong mahal niya.Nakatayo sa harap si Gian — nakasuot ng pormal na puting suit, ang mga mata ay nakapako sa pinto ng simbahan, hindi makapaghintay. Ang kanyang puso ay tumitibok nang mabilis — hindi sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ilang sandali pa… bumukas nang dahan-dahan ang malalaking pinto.Pumasok si Izzette May Delgado — nakasuot ng napakagandang puting kasuotan na kumikinang sa liwanag, ang belo ay umabot hanggang sa sahig, at sa kanyang

  • Babysitting the Billionaire Son   Chapter 11 Ang Pagdating Ni Lolo Benedict

    Isang taon ang lumipas — isang taon na puno ng pagmamahal, pagtutulungan, at walang humpay na suporta. At ngayon… ang araw na pinakahihintay ni Izzette sa loob ng mahabang panahon — ang kanyang Pagtatapos.Nakatayo siya sa gitna ng entablado, suot ang kanyang toga at sumbrero, hawak ang kanyang diploma — Bachelor of Science in Marketing, Cum Laude. Ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi maipaliwanag — halo-halong saya, pasasalamat, at tagumpay. Hanap-hanap niya ang mga taong naging dahilan kung bakit siya nakarating dito — at sa gilid ng entablado, nandoon sila.Nakatayo si Gian Alessandro Bradford, nakasuot ng pormal na suit, hawak ang kamay ng kanilang apat na taong gulang na si Leo. Pareho silang nakangiti nang pinakamalaki — puno ng pagmamalaki at pagmamahal. Nang matawagin ang pangalan ni Izzette, tumayo sila at pumalakpak nang pinakamalakas — kasama sina Cassie, Maddie, at Mavy na nasa likuran nila, umiiyak sa tuwa para sa kanilang matalik na kaibigan.Nang matapos ang seremonya, a

  • Babysitting the Billionaire Son   Chapter 10 Ang Pangako — At Ang Hindi Inaasahang Pagdating

    Mabilis na nag-ayos si Izzette — nakasuot na siya ng maayos na damit pang-school, naka-bag na sa balikat, at handa nang umalis. Pagbaba niya sa sala, sinalubong siya ni Leo na tumatakbo palapit nang mabilis, yakap nang mahigpit ang kanyang binti na parang ayaw magpaalam.“Mommy… balik ka ha? Babalik ka talaga dito pagkatapos ng school mo?” tanong ng bata, may halong takot sa boses — parang natatakot na baka hindi na siya bumalik.Lumuhod si Izzette para pantayan siya, hinawakan nang mahigpit ang maliliit na kamay nito, at ngumiti nang pinakamapayapa at pinakatapat na ngiti.“Pangako, baby. Babalik ako. Hinding-hindi ako aalis nang hindi nagpapaalam sa’yo. Mag-aaral lang ako para makatapos, tapos uuwi agad ako dito — sa inyo. Sa pamilya ko.”Hinalikan niya ang noo ni Leo at niyakap ito nang mahigpit bago tumayo. Nandoon din si Gian, nakangiti at puno ng paghanga habang pinapanood sila — alam niyang tama ang desisyon niya, at alam niyang ligtas ang puso ng anak niya sa piling ng babaeng

  • Babysitting the Billionaire Son   Chapter 9 Dito Ka Na Matulog (18+)

    Pagkatapos ng masayang date nila sa mall, pag-uwi sa bahay ay payapa at puno pa rin ng saya ang lahat. Inihanda na ni Izzette si Leo para matulog — pinaliguan, binihisan ng pambahay, at binasa ng kwento hanggang sa makatulog nang mahimbing ang bata. Dahan-dahan niyang inayos ang kumot at hinalikan ang noo nito bago lumabas ng kwarto.Pagbaba niya sa sala, nandoon pa rin si Gian — nakatayo malapit sa bintana, tila hinihintay siya. Nang marinig ang mga hakbang niya, lumingon siya agad at lumapit nang dahan-dahan.“Tulog na si Leo?” mahinang tanong niya.Tumango si Izzette. “Opo… mahimbing na po. Babalik na po ako sa kwarto ko para magpahinga rin.”Akma nang aakyat na sana siya nang hawakan ni Gian nang marahan ang kamay niya — mahigpit pero banayad, parang ayaw siyang palayain. Tinitigan niya ito nang malalim, at sa boses niyang puno ng pagmamahal at katapatan, sinabi niya:“Dito ka na matulog.”Nanlaki ang mata ni Izzette sa gulat. “Gian… p-pero po… ang kwarto ko po ay nasa kabilang ba

  • Babysitting the Billionaire Son   Chapter 8 Ang Sasabihin Niya — At Ang Munting Abala

    Nang makalayo na sila nang tuluyan sa tatlong babae, huminto sila sa isang tahimik at maliit na sulok sa loob ng mall — malayo sa tao, payapa. Hinarap ni Gian si Izzette, huminga nang malalim, parang pinaghahandaan ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. May kakaibang kaba sa dibdib niya — pero mas malakas ang kagustuhan niyang sabihin na ang totoo.Tinitigan niya si Izzette nang malalim, dahan-dahang nagsalita nang puno ng katapatan:“Uhm… Izzette… may sasabihin ako.”Napatingin si Izzette sa kanya — tumigil ang paghinga niya nang kaunti, naramdaman niyang may mahalagang bagay na sasabihin ang lalaki. Tugon niya nang malumanay:“Ano ‘yun, Gian?”Akma nang itutuloy na sana ni Gian ang sasabihin niya — ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim — nang biglang sumingit si Leo sa pagitan nila, hinila ang laylayan ng damit ni Izzette nang may kagalakan at pananabik sa kanyang mukha.“Mommy! Laro ako sa Kidzoona!” masiglang pakiusap ng bata, itinuturo ang malapit na palaruan na puno n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status