“Bakit dala mo ang maleta mo?” Takang tanong ni Yohan nang makalabas ng rest house si Crayne, hila-hila ang katamtamang laki ng kaniyang maleta. Pero hindi niya ito pinansin lalo na’t nakabuntot na naman si Ayla. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa hinabol siya ni Yohan at pinigilan sa kamay. “Crayne, what are you doing?” Pigil nito sa kaniya. “Hindi mo ba nakikitang naglalakad?” inis na pambabara niya sa binata. Seryosong tiningnan siya nito saka nagpakawala nang buntong-hininga. “Crayne, nagtatanong ako ng maayos. Saan ka pupunta?” muling tanong nito. “Hindi mo ba nakikita? Malamang aalis na. Bumalik na yung ex mo, hindi mo na ako kailangan. Mukhang masaya ka namang nandito na ulit ang babaeng mahal mo.” Hinawi niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Hindi makapagsalita si Yohan, nakatingin lang ito sa kaniya. Mariing nakaisang linya ang labi na tila may gustong sabihin pero hindi nito masabi. “At oo nga pala, hindi mo na kailangan pang tumawag sa
Last Updated : 2026-09-30 Read more