"Paubos na ang laman ng ref natin. I think we need to buy some groceries," bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Garvin.Ibig sabihin ay magkasama kaming bibili sa grocery? Hindi ako makapaniwala. Eh, dati nga, kung minsan ay siya lang mag-isa ang naggo-grocery at nagpapalista lang siya sa akin ng mga gusto kong bilhin. O hindi kaya'y ako ang nagte-take ng initiative na bumili kapag paubos na ang laman ng ref. Lalo pa't napapansin kong siya lagi ang nagluluto para sa aming dalawa."D-dalawa tayo?" nagtatakang tanong ko. Hindi ba siya natatakot na may makakita sa amin na kakilala namin?Narinig ko ang marahas niyang buntong-hininga. "Oo, dalawa tayo. Don't worry, walang makakakita sa atin," mahinang wika niya. Para bang may hinanakit siya nang sabihin iyon.Napasimangot ako. How funny. No one knows about us. Tanging kami lang dalawa at ang mga magulang namin ang nakakaalam.Even my parents won't let me reveal our marriage to everyone. Low-key lang daw dapat. Huwag pilitin si Garvin
Last Updated : 2026-10-12 Read more