Paano niya ako mas makilala kung ako mismo ay hindi ko kayang ibigay iyon sa kaniya. Hindi ko alam kung makakapagkatiwalaan ko siya. I'm also afraid that he will end up judging me. O baka biglang manlamig siya sa akin at lumaki ang posibilidad na hiwalayan niya ako. Nakatatakot ako. Sapat na sa akin na alam niyang kasal kami. Na empleyado niya ako sa trabaho at asawa sa papel. "You'll know me more kapag hindi lang sana pagkakamali ko ang tinitingnan mo," mapait na wika ko sa kaniya. That's not what I'm trying to say. Higit pa roon, ngunit dinaan ko na lang iyon sa ganoong usapan at baka lumalim pa ang tanong niya tungkol sa katauhan ko. "Kasi may mali ka naman talaga," paglilinaw pa niya sa akin. Alam ko iyon pero naapakan lang talaga ang pride ko. Kahit may mali man ako, sana isipin niyang asawa niya ang kaharap niya at hindi simpleng tao lamang. Sabagay, bakit niya ako iisipin? Eh, hindi niya naman ako mahal. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtan iy
Last Updated : 2026-09-14 Read more