"Teka! Ako dapat ang magsabi niyan. Ikaw itong laging galit sa akin at parang hindi mo ako kayang tingnan sa mata," reklamo ko sa kaniya. "Hindi ako galit sa iyo. Iniisip mo lang na galit ako sa 'yo dahil parang kalaban ang tingin mo sa akin. At saka, paano mo malalaman na tinitingnan kita kung hindi ka naman nakatingin sa akin? I've always wanted to have eye contact with you, pero sa iba ang tingin mo," siya naman ngayon ang nagreklamo sa akin. "Now, you sound like a jealous husband," irap ko sa kaniya. "Then, what if I do? Paano kung nagseselos talaga ako?" biglang tanong niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. I felt the butterflies inside my stomach. "Anyway, you don't have to answer it," wika niya bigla. Hindi ko naman talaga sasagutin iyon dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi na lamang ako muling nagsalita. Kumain na lamang ako. Pareho kaming tahimik sa hapag pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Tanging tunog ng kubyertos na tumatama sa plato namin ang maririn
Terakhir Diperbarui : 2026-09-07 Baca selengkapnya