Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan, dahan-dahang hinahaplos ang mahaba at nakalugay na buhok ni Mika. Nakaupo siya sa isang malambot na rattan swing sa malawak na lanai ng mansion, tahimik na pinapanood ang paglubog ng araw na nagkukulay-dugo sa buong kalangitan.Nakapatong ang isang kamay ni Mika sa kanyang tiyan. Hanggang ngayon, parang isang panaginip pa rin ang lahat para sa kanya. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik sa kanyang isipan ang mga panahong nag-iisa siya sa Cebu, mga gabi na umiiyak siya sa gutom, nanginginig sa takot na baka may manakit sa kanya, at walang kasiguraduhan kung may bukas pa bang naghihintay.Ngayon, nakaupo siya sa isang islang ipinangalan sa kanya, dinadala sa kanyang sinapupunan ang tagapagmana ng isang bilyun-bilyong dolyar na imperyo.Hindi pa man niya nakikita, naramdaman na ni Mika ang paglapit ng kanyang asawa. Ang pamilyar na amoy ng mamahaling mint, tabako, at maalat na hangin ay mabilis na pumalibot sa kany
آخر تحديث : 2026-10-07 اقرأ المزيد