"The strongest people don't always fight in front of you... sometimes, they protect you without letting you know you're in danger."*******DAVE'S POV :Hindi ko pinahalata na may mali.Pagkatapos ng breakfast namin ni Jessica, kumilos ako na parang wala lang. Parang normal na umaga lang ng magkasama.Nasa lababo siya, naghuhugas ng plato. Ako naman nakasandal sa may counter, pinapanood ko lang siya. Basa pa kamay niya, may bula pa ng sabon."Baka araw-araw na kitang paglutuin," sabi ko para asarin siya.Napailing siya, pulang-pula na pisngi niya. "Depende po kung mabait kayo, Sir... este, Dave.""Akala ko ba mabait ako?" tanong ko."Hindi po," sagot niya agad, hindi man lang nag-isip."Bakit hindi?" tanong ko, lumapit ako ng konti."Kasi..." umiwas siya ng tingin, pinipigilan niya tawa niya. "...inaabuso niyo po yung breakfast kanina. Imbis na kumain tayo, kung ano-ano ginagawa ninyo."Natawa ako."Tama lang yun, mas masarap tuloy breakfast ko," sagot ko.Tumawa rin siya, mahina lang
Última actualización : 2026-10-10 Leer más