"Home is not the place where you live... it's the place where someone starts remembering your favorite coffee, your favorite meal, and the little things you never ask for."*******JESSICA'S POV*Tatlong araw na kami sa Maynila. Unti-unti ko nang nakikilala paligid ng condo. Alam ko na saan grocery, convenience store, laundry shop, at yung maliit na bakery sa kanto na laging bagong luto pandesal tuwing umaga.Minsan, pag wala masyado ginagawa si Michael, sinasamahan niya ako maglakad."Para hindi ka maligaw," sabi niya.At totoo lang, maliligaw talaga ako. Lahat ng building dito magkakamukha. Lahat ng kalsada parang pareho lang pag first time mo.Maaga pa lang umalis si Dave gaya ng nakasanayan niya. Alas-siyete pa lang, nakasuot na siya ng charcoal gray suit habang inaayos cufflinks niya sa harap ng salamin.Lumabas ako ng kusina dala plato ng toasted bread at scrambled eggs."Breakfast po," sabi ko at nilapag sa counter.Huminto siya sa pag-aayos ng manggas at tumingin muna sa pagka
Last Updated : 2026-09-28 Read more