"Sometimes, love begins with the little things no one else notices."*****JESSICA'S POV :Pagkatapos naming kumain, inayos ko agad yung mga baunan sa mesa. Sinarado ko sa kanya nang diretso. "Naabala ko pa kayo sa trabaho."Nasa mesa pa rin tingin ni Dave, hawak niya pa rin ilang dokumento pero halatang hindi na siya nagbabasa."Hindi ka nakaabala," sagot niya, maikli lang pero kalmado boses niya.Gumaan pakiramdam ko sa sinabi niya.Tumayo ako tapos kinuha ko lunch bag ko na medyo mabigat pa rin dahil sa mga baunan."Sige po... uuwi na ako," sabi ko habang nakangiti nang bahagya.Sabay din siyang tumayo mula sa upuan niya."Ihahatid kita," sabi ni Dave habang inaayos niya coat ng upuan niya.Nanlaki mata ko, nagulat ako. "H-Hindi na po, Sir. Kaya ko na po.""I'll walk you to the elevator," sagot niya, diretsong nakatingin sa akin, parang wala nang debate.Hindi na ako nakatanggi. Wala naman akong magagawa pag ganyan siya magsalita.Paglabas namin ng opisina, halos sabay-sabay na na
Last Updated : 2026-10-01 Read more