Unti-unting nabuhay ang buong hacienda sa pamilyar na tunog ng mga traktora, huni ng mga ibon, at tawanan ng mga manggagawang nagsisimula na namang magtrabaho. Abala na rin ang opisina ng Salcedo Agri Corporation, may nakaabang na online board meeting. Harvest reports. Export updates. Isinara ni Dave ang butones ng kanyang charcoal gray na coat bago siya umupo sa harap ng mahabang conference table. Mula sa malaking monitor, isa-isang lumitaw ang mga mukha ng board members mula sa iba't ibang panig ng bansa. Sa labas ng opisina, maaari siyang magmukhang tahimik, malamig at walang emosyon. Pero sa loob ng boardroom, ibang Dave Salcedo ang nakikita ng lahat, isang lalaking hindi nagtataas ng boses, pero lahat ay kusang nakikinig. "Good morning, everyone." Tumango lamang si Dave. 'Let's begin." Unang nagsalita ang Finance Director. "Sir, bumaba ng walong porsyento ang export ng mangga nitong buwan. Kung maghihihintay pa tayo ng susunod na harvest, posibleng mawalan tayo ng foreign
Last Updated : 2026-09-11 Read more