Kabanata 2 — Ang Sikretong Pangalan“Sino si Evelyn?”Hindi ko inalis ang tingin ko sa screen.Wala nang larawan.Wala nang mensahe.Pero nanatili sa isip ko ang mukha ng babaeng halos kapareho ko ang mga mata.Lumapit si Adrian sa akin.“Mira, kailangan nating umalis dito.”Umiling ako.“Hindi.”Tumingin ako sa kanya.“Hindi ako tatakbo.”Napabuntong-hininga siya.“Hindi ko sinasabing tumakbo tayo. Sinasabi kong delikado rito.”“Mas delikado kung hindi natin malalaman ang totoo.”Mariin kong hinawakan ang gilid ng mesa.“Gusto kong malaman kung sino si Evelyn Cruz.”Lumapit si Marina.“Anak, hindi lahat ng katotohanan ay ligtas.”Napatingin ako sa kanya.“Hindi na ako bata, Mama.”Napayuko siya.“Alam ko.”“Kung may tinatago ka, ngayon mo sabihin.”Sandaling nagkatinginan sina Marcus at Marina.Si Lucia ang unang nagsalita.“May isa pang record.”Agad akong napalingon sa kanya.“Nasaan?”“Sa lumang archive ng Cruz Estate.”Tumayo si Alexander.“Hindi tayo makakapasok doon nang basta-
Last Updated : 2026-09-12 Read more