Hindi ko na hinintay na may magsalita.Pagkabasa ko ng mensahe, agad akong sumakay sa sasakyan.“Old Meridian Headquarters,” sabi ko.Umupo si Adrian sa tabi ko.“Pupunta tayo.”“Hindi lang tayo.”Sa likod namin, sumakay sina Gabriel, Rafael, Marina, Elena, Victor at Elias.“Marcus?” tanong ni Adrian.“Mananatili sa foundation.”Tumango siya.“Good.”Habang umaandar ang sasakyan, hindi ko maalis sa isip ko ang dalawang salita sa File 000.PART TWO: JUDGMENT.Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.Pero alam kong may taong matagal nang naghihintay sa amin.At ngayon, siya mismo ang tumatawag.---Pagdating namin sa Old Meridian Headquarters, halos wala nang natitirang gusali.Isang lumang warehouse.Kalawangin ang gate.Basag ang ilang bintana.Pero may isang bagay na agad kong napansin.May ilaw sa ikalawang palapag.“May tao,” sabi ni Gabriel.“Obviously,” sagot ni Adrian.Lumapit kami sa entrance.Walang lock.Bukas ang pinto.“Too easy,” bulong ni Victor.Tumigil ako.“Exactl
Last Updated : 2026-09-28 Read more