PART 8 — Kabanata 6: Ang Ikatlong PagpipilianHindi pa sumisikat ang araw nang makarating kami ni Adrian sa Community 16.Tahimik ang buong lugar, pero ramdam ko ang tensiyon. May mga ilaw sa barangay hall, may mga taong nag-uusap sa labas, at may ilang council members na halatang hindi natulog buong gabi.Pagbaba ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ni Gabriel.“May nahanap ka?” tanong ko.Umiling siya.“May problema.”“Anong problema?”Ipinakita niya ang tablet.“Lahat ng records tungkol sa Third Choice ay naka-encrypt.”“Hindi ba puwedeng buksan?”“Puwede.”Napatingin ako sa kanya.“Pero kailangan natin ng tatlong independent authorization.”“Kanino?”“Community 16 council, Archive 17 access holder, at original financial participant.”Napatingin ako kay Adrian.“Original financial participant?”Tumango si Gabriel.“Pero hindi ikaw.”Napakunot ang noo ni Adrian.“Bakit hindi ako?”“Dahil ni-revoke mo na ang C-16A status mo. Ang hinihingi ng protocol ay original participant noong 20
Last Updated : 2026-09-29 Read more