"Sir. Sinusubukan na po siyang hanapin at kapapahupa lang sa apoy kaya ngayon lang napasok ang yacht. Pero kailangan ninyong e prepare ang inyong sarili dahil kung nasa loob pa ang asawa mo ay malabo siyang mabuhay."Galit na itinulak ni Liam ang pulis saka tumalon sa tubig upang umakyat sa yacht. Kahit delikado pa pumasok sa loob niyon ay hindi siya nagpapigil sa mga pulis. "Amelia, babe? I'm here. I'm coming to save you, babe! I'm sorry, I didn't meant to lock and leave you here!"Napabuntong hininga ang pulis na nakasunod kay Liam. Ramdam nito ang labis na pagsisi sa boses ng binata at pag asam na buhay pa ang asawa nito. "Sir, if she is pregnant, malabo ring mabuhay siya kung nakatalon man sa tubig. Malakas ang alon at mabigat ang katawan niya.""No, she's brave and strong! Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa baby namin kaya sigurado ako na buhay siya!" Bulyaw ni Liam sa pulis."Sir, tama na at hindi ka maaring pumasok diyan!" Sigaw ng pulis ngunit hindi nakinig si Liam.
Last Updated : 2026-09-15 Read more