"Please assist her at dalhin sa hospital kung kinakailangan." Utos ni Liam sa medical team na naroon kasama ng rescue team at mga pulis."Liam, mas importante pa ba ang babaing iyon kaysa akin na ina mo?" Galit na pigil ni Flor sa anak.Galit na nilingon ni Liam ang ina, kung ibang tao lang ito ay baka nasuntok o nasakal na niya ito. Biglang naitikom ni Flor ang bibig nang makita ang galit sa mga mata ng anak. May nasabi ba siyang mali?Minabuti ni Liam na umalis na at iwan ang ina bago pa siya makapag bitaw nang hindi magandang salita sa ina. Kung noon ay tolerate pa niya ang ganoong ugali ng ina, ngayon ay hindi na at alam niyang huli na para sa asawa niya.Inis na tinabig ni Flor ang kamay ng isang staff na gusto siyang alalayang tumayo. Gusto niyang habulin ang anak ngunit humarang ito. "Ma'am, hindi ko po alam ang kuwento ng pamilya ninyo pero buhay ng asawa niya ang nakataya dito at nawawala, ikaw po ay narito lang at maraming maaring tumulong kaya mali iyang ginagawa ninyo."
최신 업데이트 : 2026-09-18 더 보기