"Wala kang dapat ipaliwanag sa kaniya." Pigil ni Joel sa dalaga nang tangkang sundan nito si Liam na tumalikod na.Bumuntong hininga si Amelia saka tumango sa binata. Tama ito at kahit papaano ay nakakagaan ng loob na may taong nagpapakita ng malasakit sa kaniya. "Thank you!""Ihatid na kita sa room mo." Alok ni Joel at binitbit ang bag niya."Wow, Joel, siya pala ang babaing nabuntis mo?" Bati ng isang lalaking nakasalubong.Magsasalita sana si Amelia upang itama ang lalaki pero inunahan siya ni Joel."C'mon, bro, parang ngayon mo lang kami nakita." Pabirong sagot ni Joel.Nangunot ang noo ni Amelia at nagtatanong ang tingin kay Joel. Hindi kasi nito itinama ang maling akala ng kakilala nito hanggang sa nakaalis na lang ang lalaki."Sorry, nakita mo naman na si Leslie ang kasama ni Liam. Ayaw kong kaawaan ka nila kapag nalaman na ikaw ang asawa."Bumagsak ang isang balikat ni Amelia. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat kay Joel o mainis. Pero tama naman ito, mukhang si
최신 업데이트 : 2026-09-12 더 보기