Napatingin ako kay Kenji nang marinig ang mahinang pagtawa niya.Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko, pero maya-maya ay napangiti na rin si Mr. Takahashi. Maging si Mr. Sato, na kanina ay seryoso habang sinusuri ang mga dokumento ay bahagyang natawa.“Sou desu ne. Anata wa hontō ni junbi ga ii desu ne,” sabi ni Mr. Takahashi.Bahagya akong yumuko. “Iie, mada manabu koto ga takusan arimasu.”Mas lalo silang natawa.Napakurap ako. Hindi naman ako nagbiro. Sinabi ko lang na marami pa akong kailangang matutunan. Bakit parang may nakakatawa sa sagot ko?Napatingin ako kay Kenji, pero sa halip na magpaliwanag, umiling lang siya habang pinipigilan ang ngiti.Sa kabilang banda, may isang taong hindi natutuwa sa hindi niya maintindihan.Si Duke.Mula sa gilid ng aking paningin, napansin kong naka-kunot ang noo. Nakasandal siya sa upuan, nakatiklop ang mga braso, at bahagyang nakataas ang isang kilay.“Kenji,” tawag ni Duke.Agad na humarap sa kanya ang interpreter. “Yes, Mr. Rev
Last Updated : 2026-10-18 Read more