"Can I give you a hug, Eula?”Nagulat ako sa tanong niya, pero agad akong tumango.Lumapit si Hiro at marahang niyakap ako. Sa gilid namin, narinig ko ang pigil na tawa ni Ryuuji.Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumalik sa dati ang lahat. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang huli kaming magkita ni Hiro, pero sa simpleng yakap na 'yon, parang hindi naman kami matagal na nawalay sa isa't isa."Hiro," mahina kong tawag habang nakayakap sa kanya. “I missed you."Bahagya siyang natahimik bago humigpit nang kaunti ang yakap niya. "I missed you, too, Eula."Napangiti ako. Hindi ko akalaing maririnig ko ulit ang mga salitang' yon mula sa kanya. Noong college kami, halos araw-araw kaming nagkikita. Minsan, kahit wala kaming importanteng pag-uusapan, nagkakape lang kami sa campus o kaya ay sabay na kumakain pagkatapos ng klase.Habang nakangiti akong yakap si Hiro, hindi ko napansin na may isang taong kanina pa pala nakatingin sa amin.Si Duke.Nasa likuran siya ni Hiro, ilang hakban
Last Updated : 2026-10-23 Read more