Naunang bumaba si Rowan sa sasakyan. Pagkatapos, iniabot niya ang kamay niya kay Celestine para tulungan itong bumaba. Magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa mansion, parehong elegante at may mga ngiting mukhang masaya. Pero pawang pagpapanggap lamang iyon. Ginabayan sila ng mga empleyado patungo sa main garden kung saan naroon na ang halos buong pamilya.“My dear son, finally, you’re here,” bati ni Valeria, ang ina ni Rowan.Napaka-elegante nitong manamit, gaya ng isang babaeng sanay sa mataas na lipunan. Maayos ang postura nito at bawat kilos ay may natural na grace na bagay sa isang socialite.“Mama,” wika ni Rowan habang lumalapit at magalang na hinalikan ang pisngi ng kanyang ina.“Hello, dear,” mainit na niyakap ni Valeria si Celestine. “You look thinner.”Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa.“I don’t think so, Mama Valeria,” sagot ni Celestine na may maliit na ngiti.“Dear, I know it’s important to maintain your figure, but you also need to stay healthy. You sho
Read more