Bumaba si Celestine para mag-breakfast gaya ng dati. Pagdating niya sa dining room, naroon na si Rowan, tahimik na umiinom ng kape. Bigla niyang naalala ang nangyari noong nakaraang gabi sa kusina. Alam niyang natamaan niya ang ego nito, kaya inakala niyang baka hindi niya ito makita sa breakfast. Pero si Rowan Madrigal iyon. Hindi ito tatakbo o iiwas dahil lang may nakalaro sa pride nito.“Good morning, Rowan. Did you sleep well?” tanong niya na may sarcastic na ngiti habang umuupo sa sarili niyang puwesto.“Yes. What about you?” sagot ni Rowan habang tinitingnan siya sa mga mata, kahit saglit ding napunta ang tingin nito sa dibdib niyang natatakpan ng tela ng damit.“Wonderful. My friends made sure I had a very pleasant night,” sagot ni Celestine.Kumunot ang noo ni Rowan, pero hindi na ito sumagot. Sa halip, tumingin siya sa mga empleyadong naroon. Tahimik ang mga ito at abala sa kanilang trabaho. Siyempre, wala namang ipinagbabawal sa kanila na pag-usapan ang mga nangyayari sa
Read more