“Gusto mo ba ang nakikita mo?” tanong ni Rowan, bahagyang paos at may halong pang-aasar sa boses.“Wag kang feeling gwapo at bilisan mo na,” sagot ni Celestine, pilit na pinapakitang naiirita siya.Napatawa nang mahina si Rowan.“Then help me,” sabi niya, natatawa pa rin.Tumayo si Celestine at naglakad papunta sa kanya, pero sa halip na lapitan siya, dumaan lamang ito sa tabi niya at pumasok sa walk-in closet. Sinundan siya ni Rowan at tumigil sa likuran niya habang kunwari namang pumipili si Celestine ng susuotin nitong polo.“Choose carefully,” bulong niya.Napabuntong-hininga si Celestine, halatang naiirita. Kumuha siya ng isang itim na polo, saka humarap kay Rowan at iniabot iyon sa kanya.Tinanggap naman iyon ni Rowan. Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa mga mata niya habang dahan-dahan nitong isinusuot ang polo, na para bang sinasadya nitong ipakita ang bawat galaw ng mga kalamnan sa katawan nito.“Help me with my tie,” utos niya.Napakalunok si Celestine bago lumapit
Read more