Hindi na kami natulog nang maayos kinagabihan, parehong nag-iisip kung sino ang nagpadala ng mensaheng iyon, at kung ano ang ibig sabihin nito tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Isabela Sinclair.Kinaumagahan, nagtipon kaming lahat sa isang emergency meeting sa opisina ni Sandy. Nandoon sina Regina, Atty. Fernandez, Bianca, Ferdinand, at syempre, si Jaena, dala-dala ang kanyang notebook at isang bagong thermos ng kape."Ma'am, Sir, dahil official na po tayong nasa Book 2 ng ating buhay," sabi ni Jaena, seryosong-seryoso, "naisip kong kailangan na rin ng bagong notebook. Ito na po yung Volume 4.""Jaena, paano mo nalaman na nasa Book 2 na tayo?" tanong ko."Feeling ko lang po, Ma'am. May energy kasi, parang bagong season ng paborito kong teleserye."Umiling na lang si Regina, tila sanay na. "Tungkol sa mensahe kagabi, may nalaman akong bagay. Na-trace namin ang IP address, at mula ito sa isang internet café malapit sa Antipolo, hindi kalayuan sa dating bahay ng pamilya Sincla
Last Updated : 2026-10-06 Read more