Simula nang mabasa namin ang sulat, hindi na ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang isang linya.Hindi aksidente.Ibig sabihin, may taong matagal nang naghihintay na dumating ako sa buhay ni Rafael.Pero bakit?At higit sa lahat—Sino ang nakakaalam?Nakatayo ako sa harap ng malaking bintana ng kwarto habang nakatitig sa labas. Tahimik ang buong mansion, pero sa loob ng isip ko, parang may nagkakagulong mga tanong.Huminga ako nang malalim. Hindi ko pa man nasasagot ang isang tanong, may panibagong problema na naman.“Lena.”Napalingon ako. Nasa may pintuan si Rafael.Nakaayos siya sa isang dark suit, bahagyang nakaluwag ang kurbata. Tahimik ang mukha niya, pero alam kong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan.“Hmm?”Lumapit siya. “May dinner tayo mamaya.”Napakunot ang noo ko. &ldq
Last Updated : 2026-09-20 Read more