Tatlong buwan na simula nang huli ko silang makita. Simula nang ipa-banned ako ni Blaze ay umalis na ako ng Bulacan. Winasak ko ang cellphone ko at tinapon para hindi nila ma-trace. Sumakay ako ng public vehicle, sumakay ng bus at viola! Sa Cagayan ako dinala ng bus at dito na ako nangupahan sa isang simpleng barong-barong sa tabi ng dagat. Dito ko na binuro ang sarili ko.Lumayo ako, kasi una, wala nang saysay ang buhay ko sa Bulacan. Wala ng saya at wala ng buhay. Pakiramdam ko wala na akong halaga doon kaya mas pinili kong mag-iba ng landas. Malayo sa kanila, malayo sa problema, sa sakit, at sa karma ng kagaguhan ko. Mas mabuti na ang ganito. Hindi ka nasasaktan, wala kang nasasaktan. Mag-isa, malaya.Hindi naman ako maarte at kaya ko makipagsabayan sa buhay. Madalas kaming mag-camping mag tropa noon, nag-a-adventure kami at minsan sumasama ako sa mga medical mission noon. Survival game lang ito para sa akin. Madaling iraos.Sumama ako sa pangingisda minsan at nagkaroon din ako ng
最終更新日 : 2026-11-05 続きを読む