DON ARTHUR’S POVNang maramdaman ko ang kaniyang pagtango, tuluyan nang nawala ang huling katiting ng aking pagpipigil.Ilang taon akong namuhay bilang isang lalaking kontrolado ang lahat—bawat desisyon, bawat emosyon, bawat sentimo sa aking kumpanya. Ngunit sa harap ng dalagang ito na nakaupo sa ibabaw ng aking desk, habang nakatitig sa akin nang may buong pagtitiwala sa kaniyang mga inosenteng mata, napatunayan kong wala akong kalasag laban sa kaniya.“Are you in pain?” tanong ko, pilit pinananatiling maingat ang aking boses habang nakapatong ang aking mga kamay sa kaniyang mga hita, iniiwasan ang bahaging may tahi.“Medyo lang po... pero ayos lang,” sagot niya, nanginginig ang kaniyang mga daliri habang nakakapit sa aking mga braso. Namumula ang kaniyang mga pisngi at bahagyang nakabuka ang kaniyang mapupulang labi mula sa mga nauna naming halik.“Tell me if it hurts,” bilin ko habang marahang hinahalikan ang kaniyang noo, ang dulo ng kaniyang ilong, at ang kaniyang panga. “I won't
Huling Na-update : 2026-10-28 Magbasa pa